K-Pop Star certified KathNiel fan: OMG! I love them!

May 14,2018
share this

K-Pop Star certified KathNiel fan: OMG! I love them!

May 14,2018
share this


CERTIFIED KathNiel fan pala ang K-Popstar na si Kriesha Tiu. Ito ang kanyang inamin matapos pumirma ng kontrata sa Star Music para mai-share rin niya ang kanyang talent sa mga Filipino.

Yes, may dugong Pinoy din ang dalaga kaya mahilig din siyang manood ng mga teleserye at isa nga sa mga paborito niyang TV series ay ang Got To Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa mga hindi pa pamilyar kay Kriesha, sumikat siya sa Korean TV show na K-Pop Star 6 kung saan siya ang tinanghal na second placer. Ang Star Music ang mangangalaga sa career niya rito sa bansa habang ang Works Entertainment pa rin ang hahawak sa mga projects niya sa Korea.

“When I was going to school, when I was in middle school and high school that I was watching teleseryes I lot. I mean I watch it since I was young but the one that I do remember is Got To Believe. I’m a KathNiel fan, yes,” sey ng Koreanang singer.

Dagdag pa niya, “I want to be engaged music-wise. I mean right now I’m working on music. I do like watching movies, watching teleseryes. I mean I’m working hard on music right now but if I could go to that direction, yes, I want to work with them,” aniya pa.

At nang tanungin kung payag siyang makatrabaho ang KathNiel, “Oh my gosh, that would be an honor. I love KathNiel. But I have to work on my Tagalog and acting ‘cause if I do go to that direction, I want to show a very, very good side of Kriesha Tiu.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending