Young actress mas mainit ang libido kesa sa dyowang male star; may pinagseselosang beki | Bandera

Young actress mas mainit ang libido kesa sa dyowang male star; may pinagseselosang beki

Cristy Fermin |May 14,2018
facebook
share this

Young actress mas mainit ang libido kesa sa dyowang male star; may pinagseselosang beki

Cristy Fermin - May 14, 2018 - 12:15 AM

 

MARAMING nakapaligid sa isang young actress ang nag-aalala na baka one day, isang araw, ay bigla na lang siyang makitang parang nakalunok ng pakwan.

Nagdududa ang mga ito na dahil sa sobrang closeness nila ng kanyang boyfriend na batang aktor ay lumampas sa nararapat lang ang kanilang relasyon.

Kuwento ng isang source na palaging nakakakita sa mga bagets na nagmamahalan, “Nakakapag-alala lang, kasi, pareho pa silang bata, marami pa silang mga pangarap sa buhay.

“Gumaganda ang takbo ng career nila, nabibigyan sila ng magagandang opportunities, may talent naman sila, kaya nakapanghihinayang kung mauudlot ‘yun nang dahil lang sa hindi inaasahang pangyayari.

“Sana nga, e, mas priority nila ang pangarap nila, makapaghihintay naman ang relasyon, mas unahin muna sana nila ang mas kailangan,” nag-aalala nitong pahayag.

Kahit daw kasi maraming nakapaligid sa kanila ay panay-panay ang pagpaparamdam ng paglalambingan ng magkarelasyong ito, wala silang pakialam, kaya nag-aalala ang mga nakakakita sa kanila na baka humantong ang kanilang relasyon sa buntisan.

“Kung minsan, e, ikaw na ang mahihiyang tumingin sa kanila kesa sa sila ang nahihiya sa iyo. Sobra silang maglambingan, palaging nakapulupot ang girl sa guy, baka kung saan na ‘yun mapunta!

“Hindi man lang nila naiisip na baka kung ganyan na sila katinding maglambingan sa harapan ng mga katrabaho, e, mas masahol pa sila kapag silang dalawa na lang ang magkasama?

“Natural, ‘yun ang maiisip ng mga nakakakita sa kanila, di ba? Ano na sila kapag nagsosolo na lang sila at wala nang nakakakita? Mainit kasi ang girl, mas hot siya kesa sa guy.

“E, bagets pa rin ang lalaki, mainit din ang libido, kaya hindi nila maiiwasang isipin ng iba na baka kung saan na napupunta ang relasyon nila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bakit kaya? Lihim kayang nagseselos ang girl sa isang sikat na gay personality na nali-link sa boyfriend niya? ‘Yun lang naman,” napapailing na kuwento ng aming source.

Nakow, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong getlak n’yo na kung sinu-sino sila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending