Relasyon nina Luis at Jessy negang-nega: Halatang fake, maghihiwalay din kayo! | Bandera

Relasyon nina Luis at Jessy negang-nega: Halatang fake, maghihiwalay din kayo!

Alex Brosas |May 13,2018
facebook
share this

Relasyon nina Luis at Jessy negang-nega: Halatang fake, maghihiwalay din kayo!

Alex Brosas - May 13, 2018 - 12:01 AM


OF late, panay ang post nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ng sweet moments photos nila sa social media.

May shots na magkayakap sila, malalagkit ang tingin at talaga namang romantically in love. There are those photos rin na talagang nag-kiss sila. Here, there and everywhere ang kanilang romantic shots – sa concert, sa park, sa beach, sa kung saan-saan.

Well, for some bashers naumay much na sa kanilang ka-sweet-an, isang pagpapanggap lang daw ang lahat.

“Kow, kung kailan nagka edad c Luis saka pa cya nagpapakita ng ganoN. nakikiuso masabi lang na tunay cyang lalake.”

“Gimmick lng yan!!! Just wait magkakahiwalay din sila!”

“Puro na lang kasi halikan nakakasawang tingnan. Kailangan ba talagang magpost ng mga ganyan sa socmed? Hindi na nakakakilig, nakakairita na!

“Maghihiwalay din yang mga yan..babaero kaya si Luis. Madaling magsawa. Tingnan n’yo ang nangyari sa kanila ni Jennylyn Mercado?”

“Feeling ko sa ending sila pa rin ni Angel Locsin ang magkakatuluyan. I believe…sila ang destiny kaya huwag ka munang umasa Jessy!”

Bakit nga ba ang daming galit sa couple na ito, eh, nagpapakatotoo lang naman sila. Bakit ang ibang showbiz couple ay hindi naman bina-bash nang husto when they post romantic photos? Bakit parang galit na galit ang netizens kay Jessy na wala namang ginagawang masama?

q q q

Nagkagulo sa kasal ni Martin (Richard Yap) kay Lisa (Jodi Sta. Maria) matapos aminin ni Mona (Jodi) na hindi siya si Lisa sa huling episode na napanood namin sa Sana Dalawa Ang Puso.

Lalo pang naguluhan si Martin dahil sa pag-aakalang si Lisa ang mapapakasalan niya. Sa galit niya ay pinagagawan niya ng paraan na hindi matuloy ang merger ng company niya at company ni Lisa. He felt so betrayed kasi.

Bumalik si Mona sa condo ni Martin para isoli ang manok pero pinagsabihan siya ni Martin na ayaw na niyang makita ang pagmumukha niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, parang nasa langit na si Leo Tabayoyong (Robin Padilla) dahil palagi na niyang nakakasama si Lisa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending