Jennylyn adik sa gym, ibinandera ang mala-Wonder Woman na kaseksihan | Bandera

Jennylyn adik sa gym, ibinandera ang mala-Wonder Woman na kaseksihan

Ervin Santiago |May 11,2018
facebook
share this

Jennylyn adik sa gym, ibinandera ang mala-Wonder Woman na kaseksihan

Ervin Santiago - May 11, 2018 - 12:15 AM

JENNYLYN MERCADO

IBA talaga ang dating ng samahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa pinakabago nilang primetime serye sa GMA na The Cure.

Ito na kasi ang isa sa mga most-talked about show sa social media gabi-gabi lalo na ngayong mas nagiging intense pa ang bawat eksenang nagaganap sa kuwento ng The Cure.

Ngayon kasing nagsimula nang kumalat ang virus na nanggaling sa mommy ni Greg (Tom) na si Agnes (Irma Adlawan), siguradong mas malala na ang magaganap dahil kahit sino, apektado na. Lalo na tuloy hindi makaalis sa harap ng kanilang TV screens ang bawat Kapuso viewer dahil sa makapigil-hiningang mga eksenang dapat nilang abangan.

Ano pa kaya ang mga nakakaloka at nakakagulat na twist na magaganap sa The Cure? ‘Yan ang kailangan n’yong abangan.

Samantala, tila ang pagbisita sa gym lang ang pahinga ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado from her busy schedule lalo na ngayong halos everyday siyang nasa taping ng The Cure.

Ito kasi ang activity na palaging featured sa kanyang Instagram stories lately kasabay ng pagpo-promote niya para sa kanilang Kapuso program ni Tom.

No wonder isa siya sa mga itinuturing na #fitspo ng marami lalo na sa kanyang maaksyong mga eksena rito.

Kahit na nagpo-post ang Kapuso actress ng sneak peek sa mga ginagawa niyang trainings at routines sa gym, marami pa rin ang nakikiusap sa kanilang idolo na i-reveal kung ano ang buo niyang exercise routines na nakasanayan para naman daw magaya nila at ma-achieve rin ang kanyang sexy, healthy at mala-Wonder Woman na body.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending