Sarah dapat pagalitan ang bastos at walang respetong mga Popster | Bandera

Sarah dapat pagalitan ang bastos at walang respetong mga Popster

Ronnie Carrasco III |May 10,2018
facebook
share this

Sarah dapat pagalitan ang bastos at walang respetong mga Popster

Ronnie Carrasco III - May 10, 2018 - 12:01 AM


BILANG singer, nagagalingan kami kay Angeline Quinto. Isa rin siya sa mangilan-ngilang mang-aawit who could act, really act, if we may say.

Pero sa engkuwentro niya ngayon sa mga Popsters (mga tagahanga ni Sarah Geronimo) na kesyo na-video-han daw ng isang taga-ABS-CBN ang pangungutya nila ni Morissette Amon sa kanilang idolo when she broke down at her recent Las Vegas concert, we want to bang Angeline’s head on the wall para matauhan.

Ngayon lang kami nakakita ng binash na’t lahat, tinawag na laos at tomboy and all ay mapagkumbaba pang sinasabi ni Angeline na nirerespeto niya ang kanyang mga bashers. Katwiran niya, nirerespeto daw niya kasi ang kanilang idol.

Idols and fans are two different beings. Maaaring naroon pa rin ang respeto ni Angeline kay Sarah, pero ang igalang pati ang ilang supporters nito ay hindi at kailanman magiging isang package deal.

On the other hand, may accountability rin ang idol sa behavior ng kanyang mga fans, maanong pagsabihan ni Sarah ang mga ‘yon dahil ultimately, babagsak din sa iniidolo nila ang kanilang mga shenanigans.

Ano nga ba itey sa Tagalog?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending