Maymay game mag-join sa Asia's Next Top Model, pero... | Bandera

Maymay game mag-join sa Asia’s Next Top Model, pero…

|May 09,2018
facebook
share this

Maymay game mag-join sa Asia’s Next Top Model, pero…

- May 09, 2018 - 12:10 AM

MAYMAY ENTRATA

KAMAKAILAN ay kumalat ang balitang sasali raw si PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata sa next season ng Asia’s Next Top Model.

Nasa Asia’s Next Top Model Cycle 6 Facebook fan page kasi ang mga litrato ni Maymay bilang bahagi ng “wish list” ng mga netizens kung sino sa tingin nila ang may malaking potential na makapasok sa next cycle ng show.

Sa panayam ng online show na PUSH Bets Live kay Maymay, nilinaw nito ang nasabing balita. Aniya, “Unang-una nagpapasalamat po ako sa lahat ng nakaka-appreciate.

“Kailangan ko pa talaga ng kaunting training kasi ‘yung talent bonus ‘yan pero ‘yung skills ng pagiging modelo, medyo kailangan dapat i-enhance talaga ng mabuti kaya ang masasabi ko po sa ngayon hindi pa talaga ako handa diyan.”

Sey pa ng dalaga, “Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon sa susunod na mga taon at handa na ako, oo, bakit naman po hindi?”

Naniniwala kaming malaki ang magiging laban ni Maymay sa ANTP kung makakasali siya sa show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending