Angeline may bagong kaaway; Lea tinawag na duwag ang mga basher | Bandera

Angeline may bagong kaaway; Lea tinawag na duwag ang mga basher

Jun Nardo |May 07,2018
facebook
share this

Angeline may bagong kaaway; Lea tinawag na duwag ang mga basher

Jun Nardo - May 07, 2018 - 12:20 AM


SA kabila ng pagbabanta ni Angeline Quinto na idedemanda ang sinumang manananakot at mambabastos sa kanyang pamilya, may mga bashers pa rin na patuloy ang pang-aalipusta sa kanyang ina.

Isang netizen na may Twitter handle na @EddieDhandsome ang nag-tweet laban sa kanyang Mama Bob? Anito, “Hoi plastic, mamatay na daw nanay mo bago mag mothers day.. kaya makaawa ka na sa kaplastikan mo.”

Nang mabasa ito ni Angeline, agad niya itong sinagot ng, “Hindi mo alam ang epekto nito sa akin. Sana ako na lang ang winish mong mamatay. Hindi ang Mama Ko.

“Walang kasalanan ang Nanay ko sayo. Sana makilala kita Eddie. Sana makapagharap tayo. Sana magpakita ka sa akin,” sabi pa ng singer-actress.

Nakahanap naman ng kakampi si Angeline sa international star na si Lea Salonga, ipinagtanggol niya ito at tinawag pang duwag ang mga taong walang ginawa kundi ang mambatos at manakot sa social media.

Ito ang resbak ni Lea sa basher ni Angeline, “One, ang punong walang bunga ay hindi binabato. Two, ang mga gumagawa ng ganoon ay duwag.

“Wala siyang tapang na magpakita sa iyo. Hanggang sa Twitter lang ang kanyang lakas loob. Three, mas maraming nagmamahal sa iyo keysa hindi. Magpakatatag lang.”

Patuloy na inaaway ng mga fans ni Sarah Geronimo si Angeline dahil sa tsismis na pinagtawanan diumano nila ni Morissette Amon ang Popstar Princess habang pinanonood ang breakdown video nito sa kanyang Las Vegas concert.

Isang netizen na ang ipina-blotter ni Angeline matapos pagbantaan ang buhay niya at ng kanyang Mama Bob. Balitang kinasuhan na rin niya ang nasabing basher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending