'Nakakahiya ang ginawa ng mga posters, inilagay nila sa kahihiyan si Sarah!' | Bandera

‘Nakakahiya ang ginawa ng mga posters, inilagay nila sa kahihiyan si Sarah!’

Cristy Fermin |May 07,2018
facebook
share this

‘Nakakahiya ang ginawa ng mga posters, inilagay nila sa kahihiyan si Sarah!’

Cristy Fermin - May 07, 2018 - 12:20 AM


NABUKING  ang mga nambubulabog na Popsters ni Sarah Geronimo na walang pruweba ang paninira nila kina Angeline Quinto at Morissette Amon.

Lumantad na ang katotohanan na walang pinag-ugatan ang kanilang galit sa dalawang singers dahil nagsalita na si Amy Perez na sinasabing pinagseserbisyuhan ng source na sinasabi nila.

Walang source. Walang naganap na pagtatawa nina Angeline at Morissette, walang katotohanan ang bintang at panghuhusga ng mga Popsters sa mga nananahimik na singers, gawa-gawa lang ng grupo ang senaryo.

Nakakahiya ang ginawa ng mga Popsters (hindi naman lahat, iba lang, ‘yung mga mapaghanap ng gulo) na nambulabog kina Angeline at Morisette, hindi man lang nila naisip na ang mga ginagawa nila ay may direktang epekto sa kanilang idolo.

Damay si Sarah sa kanilang ginawa, pati ang pangalan ng kanilang hinahangaan ay kaladkad sa mga binitiwan nilang pamimintas at masasakit na salita laban sa dalawang singers, lalo na kay Angeline na pati ang ina ay binarubal ng mga hindi nag-iisip na Popsters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending