Janella nakiusap sa press na wag munang pag-usapan ang soulmate | Bandera

Janella nakiusap sa press na wag munang pag-usapan ang soulmate

|May 07,2018
facebook
share this

Janella nakiusap sa press na wag munang pag-usapan ang soulmate

- May 07, 2018 - 12:25 AM

 


NAKIUSAP si Janella Salvador na huwag munang pag-usapan ang tinutukoy niyang “soulmate” sa presscon ng bago niyang pelikula under Regal Films, ang “So Connected”.

Marahil ay gusto lang niyang irespeto ang presence ng bago niyang ka-loveteam sa pelikula, ang Hashtag member na si Jameson Blake. Natanong kasi ang dalawang bida sa movie kung naniniwala ba sila sa soulmate dahil ito nga ang tema ng “So Comnected”.

Sey ni Janella, “Ako, I believe in soulmate. It doesn’t necessarily have to be romantic naman. Sabihin ko sa inyo kapag nahanap ko na ang soul mate ko. Sana siya na… sana.”

Siyempre, ang inisip agad ng members ng entertainment media na nasa presscon ay si Elmo Magalona ang tinutukoy ng dalaga, pero aniya habang sumusulyap-sulyap kay Jameson, “Puwede ba natin siyang pag-usapan dito? I don’t think lang na it’s the right venue to talk about that.”

Samantala, naniniwala ang direktor ng pelikula na si Jason Paul Laxamana sa magic ng tambalan nina Janella at Jameson. Talaga raw kumuha sila ng Regal Films executive na si Roselle Monteverde ng hindi magka-loveteam para ibang putahe naman ang matitikman ng manonood.

At hindi naman daw nagkamali si Direk Paul dahil feel na feel nila ang napakalakas na chemistry nina Janella at Jameson. Bukod sa nabigyan nila ng justice ang kanilang role, puring-puri rin ng direktor ang working attitude ng dalawang bagets.

Kuwento naman ni Janella, nang mabasa niya ang script ng “So Connected” at na-explain na sa kanya ang gagampanan niyang role, nagets niya agad kung bakit hindi si Elmo ang itinambal sa kanya sa pelikula.

Hindi rin daw nahirapang mag-adjust ang singer-actress kay Jameson, “Pareho kasi kaming cowboy.

Hindi siya yung parang mapi-feel mo na unapproachable. He’s very friendly at siguro, yun ang naging koneksiyon namin. Hindi siya mahirap kausap.”

Showing na sa May 23 ang “So Connected” sa mga sinehan nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending