Paolo magbibida sa bagong version ng gay movie ni Dolphy Na ‘Ang Tatay Kong Nanay’ | Bandera

Paolo magbibida sa bagong version ng gay movie ni Dolphy Na ‘Ang Tatay Kong Nanay’

Jun Nardo |May 06,2018
facebook
share this

Paolo magbibida sa bagong version ng gay movie ni Dolphy Na ‘Ang Tatay Kong Nanay’

Jun Nardo - May 06, 2018 - 12:35 AM

PAOLO BALLESTEROS AT SOLENN HEUSSAFF

GUSTONG ampunin ni Mother Lily Monteverde si direk Eric Quizon.

“Eric Monteverde ka na lang!” diretsong pahayag ni Mother sa actor-director matapos ang bloggers’ conference ng latest directorial comeback niya sa Regal Films, ang “My 2 Mommies” starring Paolo Ballesteros and Solenn Heussaff.

Ngiti lang ang isinukli ni Eric sa pahayag ni Mother. Naalala rin niya kasi ang panahong pumupunta ang Regal producer sa bahay nila noon upang kumbinsihin siyang maging Regal Baby.

Nang finally, nakumbinsi siyang mag-artista pumirma siya ng kontrata at nakagawa nga ng napakaraming pelikula under Regal.

“Nagalit nga sa akin ang Daddy (Dolphy) ko nang pumirma ako. Kabilin-bilinan niya sa akin, wag na wag akong pipirma ng kontrata sa showbiz. In the end, siya pa itong unang-unang nagbigay sa akin ng break sa movies,” pag-alala ni Eric.

Hindi na niya matandaan kung ilang movies ang nagawa niya sa Regal pero ang isa sa memorable film niya ay ang “Pahiram Ng Isang Umaga” with his friend, Vilma Santos-Recto.

Ngayon nga ay bahagi na ng creative group si Eric ng Regal. Dahil bumilib siya sa galing ng bidang si Paolo Ballesteros sa “M2M,” ‘yung nababago ang punchlines niya kada rehearsals na madalas niyang makita nu’ng buhay pa ang tatay niya, gusto niyang magkaroon ng bagong version ang critically-acclaimed na “Ang Nanay Kong Tatay” ng ginawa ni Mang Dolphy.

Sa halip na bata ang magiging anak, binata na ito pero may kakaibang twist.

“Kailangan kasing magkaroon ng bagong concept ngayon dahil kadalasan, napapanood na sa TV ‘yung mga kuwentong ginagawa sa movie. Kung maaaprubahan ni Roselle (Monteverde), gusto kong si Paolo ang maging bida,” saad ni ni Eric.

Samantala, tuloy na ang bagong TV series ni Eric sa GMA, ito ang pagbibidahan ni Alden Richards pero hahayaan na lang daw niya na ang mga bossing ng Kapuso Network ang magpahayag ng detalye tungkol dito bilang respeto sa pinirmahang confidentiality clause sa network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending