Sarah: Parang kailangan kasi lagi kang maganda, lagi kang may mga pasabog! | Bandera

Sarah: Parang kailangan kasi lagi kang maganda, lagi kang may mga pasabog!

Ervin Santiago |May 05,2018
facebook
share this

Sarah: Parang kailangan kasi lagi kang maganda, lagi kang may mga pasabog!

Ervin Santiago - May 05, 2018 - 04:12 PM

NAGPALIWANAG si Sarah Geronimo kung bakit naging emosyonal siya sa kanyang Las Vegas concert last week.

Sa ginanap na Chicago leg ng kanyang 15th anniversary concert titled “This 15 Me”, sinabi ng Popstar Princess na may mga dahilan kung bakit siya nag-breakdown at napaiyak habang nagpe-perform on stage.

“Last time po naging emotional ako kasi nag-panic po ako. Walang tulog tapos parang nawawala yung boses ko,” panimulang paliwanag ni Sarah G.

“And then naalala ko siyempre ‘yung journey ko, ‘yung humble beginnings namin, pinagdaanan, at saka siyempre lahat po tayo may battles in life,” dugtong pa ng singer-actress.

Aniya, todo-todo ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa dami ng blessings na ibinibigay sa kanya mula noon hanggang ngayon.

“I’ve been dreaming of it ever since I was a little kid. Hindi lang po ako naging prepared for everything, ‘yung lahat, ‘yung fame, ‘yung pressure, pressure to stay relevant. Ano ba next na movie ko? Next na song ko? Ano ba ang next na pasabog? Ano ba ang susuutin ko? Ano bang make-up ko? Parang kailangan na lang laging pag-isipan ng mabuti ang lahat. Parang kailangan lagi kang maganda, lagi kang naka-make up,” litanya pa ng girlfriend ni Matteo Guidicelli.

Pagpapatuloy pa ng dalaga, “Pero wala pong iyakan ngayon, bawal. Nanu-news tayo e. Naba-bash tayo masyado. Huwag nang ganu’n,” pagbibiro pa ni Sarah.

“Akala nila nag-iinarte ako. Ibinigay na nga sa akin ito, nag-iinarte pa ako? Aba mawawala din ito so, habang mayroon, go lang, di ba? Ipon tayo. I feel very, very, very blessed and I am truly blessed,” pahayag ng ni Sarah.

So, malinaw din na hindi totoo ang tsismis na may matinding away sina Sarah at Matteo kaya inatake ng depresyon ang Popstar Royalty sa kanyang concert.

May mga kumakalat kasong chika na naghiwalay na raw ang magdyowa kaya sobrang affected si Sarah nang mag-concert sa Las Vegas. May tsismis pa nga na may third party involved sa nasabing isyu.

Samantala, nag-sorry na rin si Sarah sa kanyang kaibigan na si Angeline Quinto matapos itong bastusin at pagbantaan ng isang Popster.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Angeline, sinabi nitong mas humanga siya kay Sarah dahil sa pagpapakumbaba nito.

“Ayoko na pong sabihin ‘to, pero sobrang lalo na akong humanga kay Sarah. Kasi nakatanggap po ako ng message sa kanya at humihingi po siya ng sorry sa akin,” maluha-luhang sabi ni Angeline.

Kung matatandaan, kumalat ang balitang pinagtawanan daw nina Angeline at Morissette Amon si Sarah habang pinanonood ang breakdown video nito habang nagko-concert sa Las Vegas. Tinawag din daw nilang “pabebe” si Sarah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pareho nang nagdenay sina Angeline at Morissette na nagsabing hinding-hindi nila ito magagawa kay Sarah. Sey ni Angeline, “Maayos kasi kami ni SG, e, wala akong kahit anong, wala akong question sa ugali ni Sarah. Simula noong bata pa lang kami, magkakilala na kami. Kaya nasasaktan lang din po ako na nangyari ‘to sa amin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending