Angeline, binantaan, pinagmumura ng fan ni Sarah; Pati nanay dinamay | Bandera

Angeline, binantaan, pinagmumura ng fan ni Sarah; Pati nanay dinamay

Bandera |May 04,2018
facebook
share this

Angeline, binantaan, pinagmumura ng fan ni Sarah; Pati nanay dinamay

Bandera - May 04, 2018 - 01:54 PM

ANGELINE QUINTO AT SARAH GERONIMO

NANGINGINIG sa galit si Angeline Quinto nang mabasa ang pagmumura at pagbabanta ng isang basher na pinaniniwalaang avid fan ni Sarah Geronimo.

Hinamon ng Kapamilya singer-actress ang nasabing netizen na magkita sila nang harapan at nagsabing huwag na huwag nitong idadamay sa isyu ang kanyang ina.

Nag-ugat ang usaping ito nang kumalat ang tsismis na may video raw sina Angeline at Morisette Amon habang pinagtatawanan si Sarah dahil sa breakdown scene nito sa kanyang concert sa Las Vegas kamakailan. Mariin naman itong dinenay ni Angeline at nakiusap pa sa mga Popsters na maglabas ng ebidensya.

Kahapon, sa kanyang Twitter account, niresbakan ni Angeline ang netizen na may handle name na @miko1617. Minura siya nito pati na ang kaibigan at kapwa singer na si Morisette. Mas naalarma pa ang Kapamilya biritera nang idamay pa ng bashers ang kanyang Mama Bob.

Ipinost muna ni Angeline ang screenshot ng tweets ng nagpakilalang fan ni Sarah. Pananakot nito, “Papatumba ko kayo mga g*go”! #WagsiSarah g*guhin nyu na mga magulang nyu wag lang sya p*ki nyung panis!”

Ito naman ang sagot ni Angeline, “WAG NA WAG ANG NANAY KO. WAG NA WAG!”

“MAGKITA TAYO NG PERSONAL MIKO. WAG NA WAG ANG MAGULANG KO. KAHIT KELAN HINDI NAGING P*TA ANG MAGULANG KO. WAG NA WAG ANG MAGULANG KO NANGINGINIG AKO SA PAG TYPE NITO PARA SAYO. MAGKITA TAYO PAKIUSAP.”

Nagpasalamat naman si Angeline sa ilang Popsters na humingi ng sorry sa ginagawang pamba-bash sa kanya ng ibang fans ni Sarah, “Maraming Salamat sainyo. Sana isipin nalang natin ang pinagdadaanan ni Sarah. Nakikiusap ako sainyo para kay Sarah nalang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending