Netizens napamura sa kaseksihan ni Marian | Bandera

Netizens napamura sa kaseksihan ni Marian

Jun Nardo |May 03,2018
facebook
share this

Netizens napamura sa kaseksihan ni Marian

Jun Nardo - May 03, 2018 - 12:01 AM

SINE-CELEBRATE ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang araw ng kanilang pagpapakasal tuwing katapusan ng buwan.

Lumarga na naman ang mag-asawa sa dagat para sa kanilang 40th monthsary.

Siyempre, pasiklab na naman ang fotos ni Yan sa kanyang Instagram. Ang daming napanganga at napamura sa sexy photo ng Kapuso Primetime Queen kung saan suot niya ang kanyang red swimsuit.

May kulit ding ginagawa si Dong sa asawa tulad na lang nang mag-post si Marian ng isa pang litrato na nakatalikod na may caption na, “Sunkissed” na siya ring nakasulat sa suot niyang sambalilo.

Komento ni Dong sa paandar ng asawa, “Sunkissed ka diyan. Dongkissed kamo…”

May kuha rin si Dong sa anak na si Zia na nakasakay sa kabayo. Inalala tuloy ng followers niya ang eksenang ‘yon sa series ni Marian na Marimar kung saan nabuo ang kanilang love story.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending