Pamilya ni James Yap pinagkaguluhan sa sosyal na mall | Bandera

Pamilya ni James Yap pinagkaguluhan sa sosyal na mall

Cristy Fermin |April 29,2018
facebook
share this

Pamilya ni James Yap pinagkaguluhan sa sosyal na mall

Cristy Fermin - April 29, 2018 - 12:10 AM

 

MAY nakakita kina James Yap at Michela Cazzola habang nasa isang kilalang mall. Kasama nila ang cute nilang anak na si MJ at ayon sa aming mga kaibigan ay halatado na ang tiyan ng Italyanang nagdadalantao ngayon.

Kuwento ng aming kaibigan, “Napakaganda nilang tingnan. Si James, palaging nakaalalay kay Michela. Siya rin ang kumakarga sa anak nila. Picture sila ng isang happy family.

“Siyempre, maraming nagpapa-picture sa kanila, pinagkakaguluhan sila sa mall! Pinagbibigyan naman nila ang lahat ng mga nakikipag-pose sa kanila. Mabait si James sa mga fans!

“Si Michela naman, ayaw na sanang sumali sa picture, pero ang mga nagpaparetrato sa kanila ang nagsasabing join na rin siya. Parang walang nangyari, parang wala sila sa gitna ng controversy dahil sa mga inilabas na pang-uupak ni Kris Aquino kay James.

“Du’n mo tuloy maiisip na kaya nagkakaganyan si Kris, e, dahil sa masaya ang lovelife ngayon ni James, samantalang siya, e, nganga! Ang ganda-gandang tingnan nina James at Michela na magka-holding hands!

“E, si Kris, sino ang kasama niya? Wala! Ang palagi niyang kasama ngayon, e, ang poot sa puso niya, puro nega ang nasa utak niya, kaya nagkakaganyan siya!” malakas na kuweno ng aming kaibigan.

May masasabi pa ba naman kami?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending