Marian dedma sa mga nega, idol ng mga nanay | Bandera

Marian dedma sa mga nega, idol ng mga nanay

|April 29,2018
facebook
share this

Marian dedma sa mga nega, idol ng mga nanay

- April 29, 2018 - 12:10 AM


SA pagtingin pa lang sa kanyang social media accounts, hindi maikakailang patuloy sa pagiging inspirasyon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang fans—bilang isang nanay, businesswoman at aktres.

Kaya naman puro pampa-good vibes lang ang nais ibigay ni Marian sa kanyang followers at dedma na sa mga nega.

Ngayong Linggo, muli siyang maghahatid ng saya at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga sa huling anniversary episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na pinamagatang “The Runaway Princess Bride.”

Sa istorya, gagampanan ni Marian ang karakter ni Princess Annie na nakatakdang ikasal sa isang prinsipeng hindi pa niya nakikilala. Dahil dito, magiging isang runaway bride siya dahil ayaw niyang pakasal.

Kaya naman, parurusahan siya ng stepmother ng prinsipe at ipapadala siya sa mundo ng mga tao. Ano ang mangyayari kay Princess Annie sa mundo ng mga tao? Anong aral ang hatid ng kanyang kwento sa mga viwers?

Tutukan ang kuwento ng Runaway Princess Bride ngayong Linggo ng gabi sa Daig Kayo Ng Lola Ko after 24 Oras Weekend sa GMA Sunday Grande.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending