Glaiza de Castro kailangang mamili: akting o pagkanta? | Bandera

Glaiza de Castro kailangang mamili: akting o pagkanta?

Ervin Santiago |April 27,2018
facebook
share this

Glaiza de Castro kailangang mamili: akting o pagkanta?

Ervin Santiago - April 27, 2018 - 12:20 AM

GLAIZA DE CASTRO

TINUTUKAN at naging top trending topic sa Twitter ang pagbabagong-anyo ni Glaiza de Castro sa afternoon series ng GMA na Contessa.

Inabangan talaga ng avid viewers ng serye ang kanyang bonggang transformation as Contessa matapos ang lahat ng naging paghihirap niya bilang Bea.

Hindi basta-basta ang acting niya rito, ayon sa kanyang mga fans. Para sa kanila, ramdam nila na ito ang pinaka-challenging na role ng kanilang idol. Pinaghandaan at binusisi rin kasi talaga ang kanyang new look sa serye.

Maliban sa husay niya sa pag-arte, marami rin ang humahanga sa kanya bilang singer pati na rin sa talento niya sa pagko-compose ng kanta. Nang minsan naming makatsikahan si Glaiza, inamin ng aktres na may kailangan siyang unahin sa pagitan ng dalawa niyang love.

Dagdag pa ng dalaga, time management talaga at pagpa-prioritize sa mga bagay-bagay ang inaaral niyang gawin ngayon. “Sa ngayon kasi priority ko ‘yung Contessa pero unti-unti nasusubukan kong magpasok ng mga meeting in terms of what we want to do for our next album.”

Talaga namang role model si Glaiza hindi lang sa mga kabataan ngayon kundi pati na rin sa mga young professionals. Keep it up, Glai!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending