7 things kung bakit kaabang-abang ang ‘Bagani’

By Djan Magbanua April 26,2018
share this

7 things kung bakit kaabang-abang ang ‘Bagani’

By Djan Magbanua April 26,2018
share this

ENRIQUE GIL, LIZA SOBERANO, SOFIA ANDRES, MATTEO GUIDICELLI AT MALAKAS

Sa kabila ng mga issues na kinasangkutan nito bago pa tuluyang umere, patuloy pa rin ang magagandang komento para sa fanta-seryeng “Bagani”.

Pero ano-ano nga ba ang mga sinusundan o kaabang-abang sa “Bagani’ kaya ito trending? Isa-isahin natin:

Double meaning?

Hindi ako sigurado kung sinasadya ng mga writers ito pero minsan (o madalas?) may mga linya sa palabas na ito na medyo kakaiba ang dating.

Example: Ganda (habang magkatabi sila ni Lakas): Lakas, ano yung tumutusok sa aking matigas na bagay.
Lakas: Ay. Pasensya na. Espada ko lang yun.

Watch it here:

Ang malaking bird ni Lakas

Bawat episode ay hindi mawawala ang reference sa malaking ibon ni Lakas. Ang Minokawa ang espiruto sa loob ng espada ni Lakas. Ayon sa mga alamat sa sobrang laki daw nito ay kaya nitong kainin ang araw. Pero may pagka-cute ang bird ni Lakas. Recently nga marami ang gustong sumakay sa malaking ibon na ito eh…

Mekeni mekeni?

Nagtrend din ang babaylan na si Dimples Romana, bilang si Gloria na tila nagpauso ng mga kakaibang salita sa mythical land ng Bagani. Hindi ba kaabang-abang kung ano pa ang kanyang mga hatid na “propesiya”? Mabisa din ata ito pag umaasa kang magbi-break ang crush mo at ang kanyang sinisinta. “Mekeni mekeni tug tog do re mi maghihiwalay din kayo giyomi.” ang mahiwaga mong mantra.

Liza Soberano aka Ganda

 We can’t take away the fact na maraming nanonood ng Bagani dahil sa kabigha-bighani si Liza Soberano bilang si Ganda. Eh ngayon pa at hindi alam ang kanyang kalagayan dahil siya ay tinegi (na hinala ng karamihan dahil nagshoshooting ng Darna). Paano kaya siya muling bubuhayin?

OK ka fairy kong Kristine Hermosa

Ang una kong naisip nang pumasok si Kristine Hermosa sa Bagani ay: darating ba si Enteng Kabisote para umanib sa Bagani? Kidding aside, gusto kong malaman kung mapapalaya ba ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) ang kanyang dyosang ina at ano ang magiging impact nito sa sansinukob?

Bagong Bagani?

Dahil patay na ang isa sa Bagani na si Mayari (Sofia Andres) sino kaya ang papalit sa kanya para ma-kumpleto ang mala-Power Rangers na grupong ito? Si Liksi (Zaijan Jaranilla) na ba ang bagong Bagani? At higit sa lahat magbo-volt in ba sila at magiging higanteng robot para matalo si Sarimaw? Joke.

Walang kapuso, kapatid o kapamilya
Sa episode naman kung saan humingi ng tulong si Lakas sa mga taong lobo, sinabi nyang walang ligtas sa galit ni Sarimaw pag nalipol na niya ang mga Bagani at napalaya ang kanyang Ina Magenta este Inang Dyosa.  Mula sa kapatid, kapuso at kapamilya. Grabe talaga si Sarimaw kahit taga ibang network at mismong network niya, damay!

Here’s an excerpt of that episode.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending