Maricel iwas social media: Ayoko namang makipag-away sa mga hindi ko kilala, no! | Bandera

Maricel iwas social media: Ayoko namang makipag-away sa mga hindi ko kilala, no!

Cristy Fermin |April 26,2018
facebook
share this

Maricel iwas social media: Ayoko namang makipag-away sa mga hindi ko kilala, no!

Cristy Fermin - April 26, 2018 - 12:20 AM

MARICEL SORIANO

SA panahong ito na halos lahat ng mga artista ay nakadukdok na sa harap ng makina dahil sa pagkalulong sa social media, sa mga panahong ganito na ibinabalandra na ng mga artista sa publiko pati ang kung ano ang kinakain nila mula umaga hanggang hapunan, ay kakaibang-kakaiba ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Gumigising siya at natutulog ng kanyang-kanya lang ang panahon niya. Wala siyang kaaway, walang namba-bash sa kanya, dahil kahit isang social media account ay wala siya.

Kaya niya namang gawin ‘yun, mahusay siya sa mga games, pero ang ibuyangyang ang kanyang personal na buhay sa publiko ay hindi niya ginagawa.

Sabi ni Marya, “Naku, ayokong makipag-away sa mga taong hindi ko personal na kilala, no! Mas gusto ko ang laban na harapan, ayokong makipag-away sa mga taong nu’n ko lang naengkuwentro ang name!
“Sa edad ko ba namang ito, e, maghahanap pa ako ng kaaway? Wala akong kahit anong social media account, choice ko ito!” parang pataray na komento ng nag-iisang Diamond Star.

May patikim na handog si Maricel Soriano sa pelikulang “My 2 Mommies”, tita siya ni Paolo Ballesteros sa pinamahalaang proyekto ng kanyang bestfriend na si Direk Eric Quizon, mula sa produksiyong pinakamamahal niya na hindi niya maaaring tanggihan at talikuran.

“Si Mother Lily ba, mahihindian ko? No! Never! Afraid!” nakakaaliw pang bitiw ng magaling na aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending