Vina sa halikan at sex scene sa serye: Kung kailan pa tumanda! | Bandera

Vina sa halikan at sex scene sa serye: Kung kailan pa tumanda!

Reggee Bonoan |April 26,2018
facebook
share this

Vina sa halikan at sex scene sa serye: Kung kailan pa tumanda!

Reggee Bonoan - April 26, 2018 - 12:25 AM


PAGKATAPOS ng presscon ng Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi na pagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial na magsisimula na sa Lunes, ay nakatsikahan namin si Vina Morales.

Challenging ang role ni Vina sa serye bilang kontrabida at sa tagal na niya sa showbiz ay ngayon lang siya tumanggap ng project na may pagka-sensual.

Natawa si Vina sa sinabi namin, “Oo nga, eh, kung kailan ako tumanda saka ako magkakaroon ng sensual scenes. Ha-hahaha! Sabi ko nga, pabalik ba ako? But actually, I’m very challenged with the role of Celestina.

“Para sa akin to do a villain, not really a villain kasi may mga pinagdaanan kaya naging strong, siguro maninibago lang ang makakapanood kasi sa mga movies and TV shows ko before puro lang ako pa-tweetums.

“May mga sexy scenes naman akong nagawa but there’s always a limit, talagang kinakailangan lang sa role as Celestina na sensual. Marami siyang relationships, marami siyang tinatagong relationships from past to present,” kuwento ng singer-actress.

Siniguro naman ng mga direktor ng Araw Gabi na naaalagaan ang lahat ng sexy scenes ni Vina. Bagama’t sanay nang magsuot ng two-piece bikini si Vina dahil beach person siya, pero aniya iba naman siyempre sa teleserye.

“Oo nga, two-piece talaga, third (taping) palang ako, nakaanim na swimsuit na ako kasi beach scene kami so tama rin naman, alangan namang naka-cover ka, di ba? Sabi ko nga, ‘Diyos ko Lord! ‘Ano ‘to? Feeling bagets?’” reaksyon ni Vina.

Aminadong may mga daya naman ang halikan at love scenes nila ng hunk actor na si Victor Silayan dahil alam naman ng production na may mga limitasyon din ang singer-actress.

“Nabibigyan naman ng magandang shots ng ating mga direktor tulad ng eksenang hinahalikan ako rito (leeg). Inaalagaan naman nila ako,” sabi pa ng aktres.

q q q

Naikuwento na ba niya sa kanyang anak na si Ceana ang intimate scenes niya sa Araw Gabi? “Ay hindi! Hindi! Ha-hahaha! Bawal siya (Ceana)!” natawang sagot ng aktres.

Pero kasama naman daw ni Vina ang anak sa taping niya pero nasa van lang ang bagets.

“Isinasama ko siya sa taping, alam mo naman I’m a single parent and a working mom, lalo na ngayon wala siyang pasok so I bring her with me. Direk Ruel (Bayani) allows me to bring her kasi alam naman nila ang sitwasyon ko pero kapag eksena na, nandoon lang siya sa van or sa tent. Hindi siya puwedeng manood kasi pang-adult na ito,” paliwanag ng mommy ni Ceana.

As of now ay walang karelasyon si Vina, “Yes, I’m single and ready to mingle. Ha-hahaha! Joke. I’m not dating kasi I’m not in a position to be committed. Attracted ako sa mga nakikilala ko o ipinakikilala sa akin.

“We go out in a big group, but not to the point na there’s really this spark na, ‘uy puwede na ako mag-commit ulit to be in a relationship.’ Wala pa ako sa point na ganu’n.”

Pero hindi naman itinanggi ni Vina na sana’y may makilala rin siyang tamang lalaki para sa kanya.
Samantala, habang nag-uusap kami ni Vina ay may sumenyas sa kanya at sinabing siya na ang kakanta ng theme song ng Araw Gabi (ni Didith Reyes). Siya ang pinakanta nito sa media launch nitong Lunes.

“Heto, kakasabi lang, nakakatuwa na ako na ang kakanta ng theme song ng Araw Gabi. Nagustuhan yata ni direk Ruel ang version ko. Yehey! Parati nang maririnig ang boses ko,” sabi ni Vina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Vina, Barbie at JM, kasama rin sa bagong afternoon serye ng ABS-CBN sina RK Bagatsing, Jane Oineza, Paulo Angeles, Ysabel Ortega, Joshua Colet, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas, Phoebe Walker, Ara Mina at Rita Avila, sa direksyon nina Don Cuaresma, Mylah Ajero Gaite at Theodore Boborol handog ng RSB Unit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending