Babala ng Feng Shui expert kina Kris at James: Mag-ingat kayo...pagsisisihan n'yo yan! | Bandera

Babala ng Feng Shui expert kina Kris at James: Mag-ingat kayo…pagsisisihan n’yo yan!

Ambet Nabus |April 25,2018
facebook
share this

Babala ng Feng Shui expert kina Kris at James: Mag-ingat kayo…pagsisisihan n’yo yan!

Ambet Nabus - April 25, 2018 - 12:30 AM

 

TAMA nga ang tinuran ng common friend nina James Yap at Kris Aquino hinggil sa “renewed” paandar ng TV commercial queen laban sa kanyang ex-hubby.

Ang tinutukoy naming “common friend” na isa sa mga favorite ni Kris na nagbabasa ng tarot cards for her, ang minsang nag-advise kay James na huwag basta-basta papasok sa negosyong hindi nito kabisado lalo pa’t sa zodiac sign nitong Aquarius na pinaniniwalaang “hilaw” sa business.

Recently, bago pa man sumabog ang bagong “bomba” ni Kris, pasimpleng binasahan ni “common friend’ si James, na ikinabigla pa nga ng kanyang partner na si Michela Cazzola dahil hindi nga ito naniniwala sa feng shui o hula-hula. Pero ipinagdiinan ng tarod card reader ang “movement” ng stars sa buhay nina James at Kris.

Dahil daw sa Mercury, Jupiter and Saturn retrogrades na naganap during the past months, dapat daw mag-ingat nang bonggang-bongga ang dating mag-asawa dahil kapag nagpadala sila sa kanilang emosyon, “Pagsisisihan nila ‘yan,” ang sabi pa ng spirit questor-cum tarot reader.

q q q

Well, if we were to believe such, ito na nga ang nangyayari ngayon kay Kris Aquino na tila walang kapaguran sa paglalabas ng kanyang mga hanash sa social media. At dahil hindi na siguro siya bilib sa common friend nila ni James, baka naghahanap na siya ngayon ng ibang feng shui experts.

Ang latest “casualty” nga niya ay si ateng Korina Sanchez na talagang basag na basag sa kanyang mahabang Instagram post matapos ngang umere sa Rated K last Sunday ang interview niya kay James para sa segment nilang “celebrity kids.”

Marami ang nagsasabi na kung hindi naiinggit ay never pa talagang naka-move on si Kris sa naging relasyon nila ng ex-husband. Bukod kasi sa going strong ang relasyon ng cager kay Michela, eh, magiging dalawa na rin ang kanilang anak dahil buntis nga uli ang Italian partner ni James.

Actually, ni hindi nga nabanggit sa panayam ni Korina kay James si Kris o ang anak nilang si Bimby, pero kung makasumbat si Kris ay para bang nakagawa ng krimen ang TV host-broadcaster. She even had the guts para ibandera sa buong mundo kung bakit tinalo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang asawa ni Ateng Korina na si Mar Roxas sa last presidential elections.

q q q

Noon pa naging laman ng mga blind items sa showbiz at talk shows sa radio and TV ang umano’y “pilit” na tandem sa pinagsamahang talk show noon sa ABS-CBN nina Kris at Korina. Dati pa’y hindi na magkasundo ang dalawa dahil kapwa nga sila palaban at laging nagpapataasan ng ihi.

Successful mang matatawag ang naging tandem nila sa TV noon, pero wala ni isa sa kanila ang naghangad na magsama uli sa isang proyekto, kahit pa nga during the campaign ni Mar Roxas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang siste sa ngayon, tila si Kris lang at affected sa mga nangyayari. Parang siya lang ang galit na galit samantalang tahimik lang ang mga taong kinakalampag niya. At sa halip na pag-usapan ng mga tao ang pagbabalik niya sa pelikula with Joshua Garcia and Julia Barretto, ay puro kanegahan ang ibinabato sa kanya.

Feeling nga namin, habang halos himatayin na si Kris sa sama ng loob at panunumbat, hayun sina James Yap at Korina Sanchez na nagre-relax kasama ang kanilang mga partners in life at ine-enjoy lang ang init ng summer! Paki-spell na lang ang asar-talo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending