Sylvia Sanchez may plano bang pumasok sa politika? | Bandera

Sylvia Sanchez may plano bang pumasok sa politika?

Reggee Bonoan |April 25,2018
facebook
share this

Sylvia Sanchez may plano bang pumasok sa politika?

Reggee Bonoan - April 25, 2018 - 12:15 AM

BAGO mag-alas otso ng umaga nitong Lunes ay nakita namin ang Instagram photo ni Sylvia Sanchez kasama si Maricel Soriano – magkayakap sila habang nasa dining room.

Ang caption ni Sylvia sa litrato nila ni Maria, “Ang happyyyy lang ng morning ko dahil sa’yo, mula noong nag umpisa ako, baguhan ako, minahal mo ako ng buong buo at hanggang ngayon di man tayo laging nagkikita ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo.

“Saludo ako sayo inay, sa kabaitan mo at sa pagiging totoong tao mo, at gusto ko lang sabihin, kinilig ako kagabi pagdating mo sa bahay ko, dati pinapanood lang kita sa tv at sinehan sa Nasipit, pero kagabi nasa bahay kita kasalo sa pagkain, kakwentuhan, kahalakhakan.

“Ahaha dreams do come true talaga!! #thankuLORD. Love you inay Maria, forever fan mo ako, hinding hindi magbabago yan. Love you, love you my forever idol! Happyyyyyy morning.”

Tinext namin si Ibyang at tinanong kung bakit magkasama sila ni Maricel at kung may project silang pagsasamahan, “Wala (kaming pelikula). Matagal na kaming nagkakayayaang ipagluluto ko siya. Idol ko ‘yan di ba?” sagot sa amin ng aktres.

Oo nga, parating ikinukuwento sa amin ng bida ng Hanggang Saan kung sinu-sino ang idolo niya sa showbiz noong hindi pa siya nag-aartista. Una na riyan si Sharon Cuneta, ang dahilan kung bakit pinangarap niyang maging artista.

Ikalawa si Maricel, gustung-gusto ni Sylvia ang pagiging totoo at ang katarayan ng Diamond Star at matagal na niyang pangarap na makatrabaho ang aktres.

Pangatlo ang nag-iisang Star for All Seasons na si Cong. Vilma Santos-Recto dahil bilib naman siya sa career path nito na nagsimula bilang artista hanggang sa naging public servant. Pero kinlaro ni Ibyang na wala sa plano niyang pasukin ang politika, mas gusto niyang tumulong sa sarili niyang paraan at kapasidad.

Samantala, sa pagtatapos ng Hanggang Saan, mukhang papatayin lahat ni Jacob (Ariel Rivera) ang bida ng serye dahil sa umereng episode nitong Biyernes ay pinadukot na niya ang asawang si Jean (Teresa Loyzaga) para iligtas sa gagawin niyang paghihiganti sa pamilya Alipio. Pagkatapos kidnapin si Sonya, isinunod din niya ang magkapatid na Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores) para patayin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending