Maine inatake ng nerbiyos nang pakantahin sa mall show | Bandera

Maine inatake ng nerbiyos nang pakantahin sa mall show

Jun Nardo |April 24,2018
facebook
share this

Maine inatake ng nerbiyos nang pakantahin sa mall show

Jun Nardo - April 24, 2018 - 12:40 AM

MAINE MENDOZA

HUMILATA lang si Maine Mendoza nang buong araw nu’ng nakaraang Linggo. Tweet niya, “Stay-in-bed-all-day.”

Eh, bago tumodo sa pahinga, nag-Eat Bulaga muna siya last Saturday at nag-segue sa event para sa isang karaoke brand na kanyang ineendorso sa SM Megamall.

Nagpasalamat naman siya sa fans niyang dumayo sa mall para makita siya’t marinig na kumanta. Humingi naman siya ng paumanhin sa lahat ng naroon. Aniya, “Sorry na lang po sa boses ko, di naman ako songerz!”

Pero bago pumagitna sa stage, inamin ng Dubsmash Queen na sobrang kabado siya nang mga oras na ‘yun. “At sobrang kinakabahan kasi ako. Ha- hahahaha! Yung internal organs ko nagkakagulo na sa loob!” ang tweet pa ng Phenomenal Star.

Nitong nakaraang mga araw, binanatan na naman ng fans ang manager ni Maine na si Rams David. Dipensahan niya ang fans ni Meng na pinagbibintangang nagpapakalat diumano ng hate campaign laban kay Jasmine Curtis-Smith.

Kumalat kasi ang balitang si Jasmine ang makakapareha ni Alden Richards sa next Kapuso series nito, huh!

Artist man ng Triple AAA management si Maine, wala sa image ng kumpanya na manira ng ibang artista. In case na nakalimutan na ninyo, may pinirmahang movie contract si Jasmine sa APT Entertainment kaya walang dahilan para siraan siya ng staff nito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending