Laborer libre sakay sa MRT 3

By Leifbilly Begas April 22,2018
share this

Laborer libre sakay sa MRT 3

By Leifbilly Begas April 22,2018
share this

LIBRE ang sakay ng mga manggagawa sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, maaari lamang na mag-presenta ng ID ang mga manggagawa mula sa public at private sectors para makasakay nang libre.

Magsisimula ang libreng sakay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang sa alas-7 ng gabi.

Ani Bello, suportado ni MRT-3 general ma-nager Rodolfo Garcia ang Araw ng Paggawa.

Bibigyan aniya ng magnetic card ang mga pasahero para makapasok sa MRT service gates at iiwan kung saang istasyon sila bababa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending