'Mag-behave na sana sina Kris at James alang-alang kay Bimby!' | Bandera

‘Mag-behave na sana sina Kris at James alang-alang kay Bimby!’

Cristy Fermin |April 23,2018
facebook
share this

‘Mag-behave na sana sina Kris at James alang-alang kay Bimby!’

Cristy Fermin - April 23, 2018 - 12:10 AM


WALANG pakialam ang mga kakuwentuhan namin tungkol sa nagaganap na kontrobersiya ngayon sa pagitan ng dating mag-asawang James Yap at Kris Aquino.

May punto ang kanilang komento na matatanda na sila, alam na nila ang kanilang mga ginagawa, kaya magbatuhan man sila ng putik sa publiko ay sila ang mananagot du’n.

Ang kanilang inaalala ay si Bimby, ang binatilyo nang anak nina James at Kris, nakakaawa raw naman ang bata dahil nakabando sa publiko ang kanyang buhay.

“Kahit para man lang sana sa anak nila, e, mag-behave naman sana sina Kris at James. Nagbibinata na ang anak nila, pero ganyan pa ang mga nangyayari. Maawa naman sana sila kay Bimby!” sabi ng isa naming kausap.

Komento naman ng isa pa, “Nagpadala na naman si Kris sa emotion niya. Kung anu-ano na namang paghusga ang sinabi niya against James. Pabalik-balik na lang ang issue. Wala nang katapusan.

“E, sino ba si James? Ama ‘yun ng anak niya! Ang kahihiyan ni James, e, kahihiyan din ni Bimby, dahil magkadugo sila, e! Bakit kailangang siraan ni Kris ang ama ng anak niya?

“Hindi pa niya nakikita ang resulta ng mga accusations niya kay James sa ngayon, pero eventually, si Bimby ang magdadala nu’n!” madiing sabi naman ng isa pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending