‘Sana iniiwas na lang ni Kris si Bimby sa kahihiyan!’ | Bandera

‘Sana iniiwas na lang ni Kris si Bimby sa kahihiyan!’

Cristy Fermin |April 22,2018
facebook
share this

‘Sana iniiwas na lang ni Kris si Bimby sa kahihiyan!’

Cristy Fermin - April 22, 2018 - 12:10 AM

BIMBY AT KRIS AQUINO

NAPAKATAGAL naming nag-usap sa telepono nu’ng isang gabi ng kaibigan naming propesor dahil sa bagong pasabog ni Kris Aquino. Tama ang kanyang sabi, “When Kris talks, everybody listens!”

Pero mapakla sa panlasa ni prop ang mga banat ni Kris kay James Yap, tinanggalan na naman daw ng ulo ng aktres-TV host ang matangkad na basketbolista, ipinahiya na naman ito ni Kris sa buong mundo.“Kahit sana para sa anak na lang nila, e, hindi na ginaganyan ni Kris ang father ni Bimby. Sana, iniiwas na lang ni Kris ang anak niya sa kahihiyan. Iba na ang sitwasyon ngayon talo na ng social media ang mga tsismisan sa baitang ng hagdan!

“Si Kris mismo ang nagbibigay ng idea sa mga bashers niya na upak-upakan na naman siya. Nakakaawa naman si James. Ang tanging kasalanan lang namang nagawa nu’ng tao, e, ang batiin ng happy birthday ang anak niya!” naiinis na komento ni prop.

Para sa mas nakararami naman ay parang sumobra ang mga pananalita ni Kris laban kay James sa punto ng kapangyarihan na wala na raw sila ngayon.

Anong kapangyarihan daw kaya ang tinutukoy ni Kris na pinagsamantalahan at ginamit ni James? Bakit kailangang ungkatin pa ‘yun ni Kris samantalang hindi naman ginamit ni James Yap kahit minsan ang pagiging pangulo ng kanyang kapatid?

Haaay, kung kailan naman nagbabalik-Star Cinema na siya ay saka pa umariba ang ganitong kuwento, nega na naman si Tetay sa pananaw ng mga taong nu’n pa man ay wala nang nakikitang positibo sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending