Sylvia pahinga muna sa serye: Para rin tayong mga cellphone! | Bandera

Sylvia pahinga muna sa serye: Para rin tayong mga cellphone!

Reggee Bonoan |April 22,2018
facebook
share this

Sylvia pahinga muna sa serye: Para rin tayong mga cellphone!

Reggee Bonoan - April 22, 2018 - 12:20 AM


PAGKATAPOS ng Hanggang Saan, nais munang magpahinga ni Sylvia. Dalawang magkasunod na teleserye kasi ang ginawa niya – ito ngang HS at ang The Greatest Love.

“I’m sure kapag mayroong isa after nito, magsasawa na ako sa trabaho and ayaw kong mangyari yun,” ang pahayag ni Ibyang.

Pero kung bibigyan siya ng bagong proyekto, gusto raw niyang maging kontrabida uli.

“Ayaw ko kasi ng naka-box, gusto ko maiba naman. Gusto ko pagbalik ko iba na itsura, gusto ko ibang-iba kina Gloria (karakter sa TGL) at Sonya (sa HS),” sabi pa ng mama ni Arjo.

Pahayag pa ng premyadong aktres, “Honestly, don’t get me wrong. Thankful ako na naging Sonia/Gloria ako, yun nga napag-usapan namin ng direktor ko dito na mag-offer ako ng panibagong atake.”

“Napapagod ako, nade-drain ako, kasi everyday taping yung The Greatest Love. Tapos dito daily taping. Kailangan ko umiyak ng buong puso kasi nanay ka, so bawat eksena yung emosyon binibigay dapat buong-buo,” dagdag pa ng Ibyang.

Sinisiguro naman niya na kapag binigyan siya ng bagong project, muli niyang ibibigay ang kanyang best.

“Parang cellphone lang, na de-drain, nagtsa-charge din. Para doon sa role na io-offer sa akin ay magiging fair ako sa nag-offer sa akin at magagawa ko siya ng 100 percent,” paliwanag pa ni Sylvia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending