James basag na basag kay Kris, buking ang kasalanan sa anak | Bandera

James basag na basag kay Kris, buking ang kasalanan sa anak

Reggee Bonoan |April 21,2018
facebook
share this

James basag na basag kay Kris, buking ang kasalanan sa anak

Reggee Bonoan - April 21, 2018 - 12:20 AM


MAINIT na winelkam si Kris Aquino ng Star Cinema kahapon ng tanghali para sa contract signing at story conference ng bago niyang pelikula.

Ito ang “I Love You Hater” kung saan makakasama niya ang tambalan sina Joshua Garcia at Julia Barretto mula sa direksyon ni Giselle Andres.

“Kasama sa contract signing ni Kris ang non-digital manager niyang si Erickson Raymundo, Star Cinema head Olivia Lamasan, VP for Star Music, Roxy Liquigan, AdProm Head Mico del Rosario.

Walang leading man si Kris sa pelikula at kung tama ang huling dinig namin ay gaganap na empleyado niya sa kuwento ang JoshLia.

Sa mga hindi nakakaalam, si direk Giselle ay matagal ng assistant director ni Inang Olive sa lahat ng pelikula niya. Binigyan siya ng break sa “Loving In Tandem” nina Maymay Entrata at Edward Barbers na ipinalabas noong 2017.

Pangarap ni direk Giselle na makagawa ng romcom at nu’ng banggitin sa kanya na si Kris ang ididirek niya ay magkahalong tuwa at kaba ang kanyang naramdaman lalo’t isinama pa sina Joshua at Julia na isa sa hottest loveteam ngayon.

Samantala, habang papunta si Kris sa ABS-CBN ay nag-post siya ng sama ng loob kay James Yap, ang ama ng bunso niyang anak na si Bimby.

Nagulat kami dahil buong akala namin ay okay na ang ex-couple dahil kasama pa siya noong dinalaw ni Bimby ang half-brother niyang si Michael James ilang buwan pagkatapos ipanganak ng partner ni James ngayon na si Michella Cazzola na buntis uli ngayon sa second baby nila.

Narito ang hugot ni Kris na kanyang ipinost sa IG: “Ngayon patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping. NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo ‘nakakawalang ganang mag effort na magpaka tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciated.’

“UTANG NA LOOB, flashback 2013 – trying hard kang umiyak (I say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil ‘pinagkakait’ ko si Bimb sa yo. Ay oo nga pala, of course pinag aksayahan mo sya ng panahon 5 years ago – kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya.

“Nu’ng tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang ‘excuse’ mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school.

“Sinunod ko ‘yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing.

“When Bimb saw the post na BINASTOS sya na ‘baklain’ sya, he shrugged it off & said: ‘Mom- who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?’ Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko- wag mo kaming guluhin, peaceful tayo.

“Eh humirit ka w/ your birthday post. So bakit nga ba hindi kayo nagkikita? Ganito kasimple, wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming ‘power’ so bakit ka pa didikit? Madali kung gusto mo. Ang kapatid mo ka-Facebook si Bincai.

“Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky you are missing out on experiencing what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is- and it is your LOSS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ half-truths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth. #lookwhat you made medo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending