Ruru Madrid ingat na ingat sa mga sexy girls sa social media | Bandera

Ruru Madrid ingat na ingat sa mga sexy girls sa social media

|April 21,2018
facebook
share this

Ruru Madrid ingat na ingat sa mga sexy girls sa social media

- April 21, 2018 - 12:35 AM


SA nalalapit namang pagtatapos ng well-loved series sa GMA Primetime na Sherlock Jr., siguradong mami-miss ng viewers ang Kapuso cutie at lead star nito na si Ruru Madrid lalo na ang mga action-packed scenes nito na talaga namang nakaka-amaze.

Pero para sa Kapuso actor, ang pinakamami-miss niya sa programa ay ang mga panahong magkasama sila ng BFF niyang si Siri the wonder god. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bago magsimula ang Kapuso program na ito, ay aminado na siya na takot siya sa aso.

Pero nang magsimula ang kanilang taping a few months back, natuto na siyang harapin ang kanyang takot. Not only that, minahal pa niya talaga si Siri. In fact, kita ito sa mga Instagram stories na ina-upload niya everyday.

May chance kaya na kumuha na ng sarili niyang pet dog ang ating bida? Yan ang inyong abangan after ng intense na mga eksena niya sa Sherlock Jr..

Samantala, inamin naman ng binata na maingat siya sa pakikipagkilala sa mga female netizens sa social media, lalo na ngayong maraming artistang nabibiktima ng mga poser at gagawan ng mga malalaswang video.

Kahit daw sa kanyang Instagram account, hindi siya basta-basta nakikipagkilala sa mga followers niya.

Marami raw mga nagme-message sa akin na random people, kabilang na ang mga babae pero hindi raw niya pinapatulan ang mga ito.

Sigurado rin daw si Ruru na wala siyang ginawang sex video na pwedeng kumalat anytime, tulad nga ng nangyari sa isa pang Kapuso actor na si Mark Herras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending