Anti-crime watchdog exec may tama sa ex-actress

By Den Macaranas April 20,2018
share this

Anti-crime watchdog exec may tama sa ex-actress

By Den Macaranas April 20,2018
share this

MADALAS ma-misinterpret ang pagiging mabait ng isang tao lalo na kung babae ito.

Ganyan ang nangyari sa isang pinuno ng isang samahan na aktibo sa pagbabantay sa mga kaso ng katiwalian at krimen sa ating lipunan.

Ang akala ni Sir ay kursunada rin siya ng isang maganda pero may edad na rin nilang miyembro na isang dating artista.

Sinabi ng ating cricket, matagal nang may tama si Sir sa kanilang pretty na miyembro.

Actually hindi lamang siya kundi maging ang isa pang stalwart sa grupo na bukod sa pagiging tisoy ay mayaman pa.

Noong una ay medyo insecure dito si Sir pero nung naging mas malapit sa kanya ang dating aktres ay inakala niya na medyo nakakalamang na siya sa puso nito.

Wala namang nagaganap na ligawan ayon sa ating cricket pero halata sa mga kilos ni Sir na matindi ang tama niya sa dating aktres.

Bilang patunay kamakailan lang ay dinala pa niya sa anibersaryo ng TV program ng dating aktres ang pinakamakapangyarihang tao mula sa Malakanyang.

Alam ni dating aktres ang mga pahaging at patama ni Sir pero ngayon pa lang ay sinasabi na niyang hindi ito makaka first base dahil hindi raw niya type ang pormahang DOM ni Bosing.

Besides, may boyfriend si Madam na isang mayaman at gwapong negosyante ayon pa sa ating cricket.

Ang pinuno ng isang maimpluwensiyang grupo na hindi pa man nagsisimulang manligaw ay basted na ay si Mr. D….as in Dapitan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending