Maarteng female celeb tinalakan ni Dina sa taping | Bandera

Maarteng female celeb tinalakan ni Dina sa taping

Ervin Santiago |April 20,2018
facebook
share this

Maarteng female celeb tinalakan ni Dina sa taping

Ervin Santiago - April 20, 2018 - 12:55 AM

DINA BONNEVIE

NAKATIKIM ng katarayan ng award-winning actress na si Dina Bonnevie ang isang kilalang female star dahil sa kaartehan at kamalditahan nito.

Nakasama ni Ms. D ang nasabing aktres sa isang teleserye noon pero ayaw na niya itong pangalanan o kung saan TV network mapapanood.

Nakachika ng ilang members ng entertainment press ang aktres kamakalawa at dito nga niya idinetalye ang nakakalokang encounter nila ng nasabing female celebrity.

Napapanood ngayon si Dina sa Kapamilya primetime series na The Blood Sisters at nagpauna na siya na hindi ang bida ritong si Erich Gonzales ang tinutukoy niya. Sa katunayan, puring-puri niya ang dalaga dahil bukod sa professional ito ay napakagaling pang aktres.

“Definitely not in this soap. Dati yung past serye ko, talagang I gave her…talagang sinabihan ko siya ng, ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you what have you made? Have you carved your name in stone in show business?’

“Imagine, ang calltime is 9 and you come down from your van at 12 na naka-pajama? Sabi ko sa kanya hindi pa ipinapanganak ang mambabastos sa akin. If you want to continue taping this soap like this, do it yourself. Eh, yung leading man ko du’n ganu’n din, ‘Grabe na grabe na yan!’ I won’t name names,” kuwento pa ni Ms. D na gumaganap bilang nanay ni Erich sa The Blood Sisters na napapanood bago mag-TV Patrol.

Sunod na tanong sa kanya, sikat pa ba siya? “Ngayon, hindi na. Sa tingin ko hindi na. Nandiyan lang siya. She didn’t make it big. Eh, kasi nga attitude eh. Yung parang grabe ah, feeling mo ikaw na yung reyna dito!? Pero lahat kami excuse me, you don’t have an award. Have you proven yourself in acting?”

Para sa kanya, ano ang kaibahan ng mga young stars ngayon kung ikukumpara sa panahon nila nina Maricel Soriano at Snooky Serna? “Well, ang kaibahan ng kapanahunan namin sa mga kabataan ngayon, first of all noon walang reto-retoke. Di ba? You have to be a true beauty.”

Anong feeling kapag yung mga kaeksena mong mga bagets ay obvious na nagparetoke? “Minsan, nagtataka lang ako, parang ang lakas ng loob nitong mga ‘to, ang sakit-sakit magpaganyan, di ba?

“But ako, sasabihin kong it’s okay if you’re going to improve your looks what’s wrong with that? If it will make you feel better and feel more confident. But along with improving your looks you have to improve your (acting), kasi kung ang ganda ganda nga ng katawan mo tapos ikaw…hello are you with us?

“Parang sayang lang. Pero most of the time they ask me paano ba yung staying power tita kasi ang dami ngang sumisikat hindi nagtatagal. Yun na nga yung sinasabi ko para tumagal kayo sa industriya number one you have to love what your doing.

“You have to really appreciate the gift. Treasure it. Keep it. And be professional, kasi kung hindi ka pa nga sikat kung umasta ka akala mo ikaw na yung reyna ng buong taping, teka lang muna. Minsan makakarinig ka pa ng, ‘Bakit yung damit ko ganyan-ganyan.’ Parang kami nga, hindi umaarte ng ganyan, eh,” chika pa ni Ms. D.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending