'Piolo parang alak...habang tumatagal, lalong sumasarap!' | Bandera

‘Piolo parang alak…habang tumatagal, lalong sumasarap!’

Cristy Fermin |April 20,2018
facebook
share this

‘Piolo parang alak…habang tumatagal, lalong sumasarap!’

Cristy Fermin - April 20, 2018 - 12:40 AM

PIOLO PASCUAL

KUWELA ang tambalan nina Piolo Pascual at Arci Muñoz sa kanilang serye sa ABS-CBN. Magaan, nakakatuwang baon ang palabas sa ating pagtulog, maromansang-makomedya.

Siyempre’y wala pa ring kakupas-kupas ang kaguwapuhan ni Piolo, ang ganda ng kanyang katawan ang ginagawang ulam ngayon ng mga becki, kahit nagkakaedad na kasi ang singer-actor ay hawak pa rin niya ang kakisigang kinababaliwan ng mga kababaihan.

At lutang pa rin ang kanyang talento, sa mahahabang dialogues niya bilang isang boss na galing sa hirap at hinding-hindi na babalik pa sa kahirapan ay magaling siyang magtawid.

Kikay naman ang dating ni Arci, bagay na bagay sa kanya ang role, may mga naninibago lang sa kanyang itsura na halatadong sumailalim sa maraming pagbabago.

Si Piolo ang pambenta ng serye, matagal na kasi siyang hindi napapanood nang gabi-gabi sa telebisyon, tulad nu’ng buhay na buhay pa ang tambalan nila ni Judy Ann Santos.

Sabi nga ni prop, “Napakaguwapo pa rin ni Piolo kahit nadadagdagan ang age niya. Para siyang alak na mas tumatagal, lalong sumasarap.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending