Pakiusap ni Mark sa isyu ng sex video: Huwag n'yo na lang idamay si Winwyn! | Bandera

Pakiusap ni Mark sa isyu ng sex video: Huwag n’yo na lang idamay si Winwyn!

Jun Nardo |April 19,2018
facebook
share this

Pakiusap ni Mark sa isyu ng sex video: Huwag n’yo na lang idamay si Winwyn!

Jun Nardo - April 19, 2018 - 12:10 AM

WYNWIN MARQUEZ AT MARK HERRAS

NAKIUSAP si Mark Herras sa press namg matanong tungkol sa pinagpistahang sex video niya kamakailan na huwag nang idawit ang girlfriend sa isyu ang girlfriend niyang si Winwyn Marquez.

“That was twelve years ago so, luma na ‘yon. Dedma naman ako sa kanila. Hindi naman ako naaapektuhan sa ginagawa nila.

“Basta pakiusap ko lang, huwag nilang idamay si Wyn. Wag nilang idamay si Wyn kasi siya ang pinakanaapektuhan sa isyu. Respect na lang to her kasi hindi ito magandang issue,” katwiran ni Mark sa grand mediacon ng kinabibilangan niyang bagong Kapuso series na The Cure.

May excitement pa ba sa kanya sa muli nilang pagtatrabaho ng former girlfriend niyang si Jennylyn Mercado?

Oo naman. Oo naman. Sobrang okay kasi magaan ang trabaho. At the same time, binigay sa akin ng GMA to do kontrabida role which is matagal ko nang gustong gawin. So ini-embrace ko lang ‘yung character, ‘yung opportunity kasi sobra akong nag-e-enjoy sa kontrabida role na sa tingin ko eh nagagawa ko ng tama,” rason ni Mark.

q q q

Hindi ba nami-miss ni Mark ang leading man status sa GMA?

“Hindi naman. Ako naman, basta mabigyan ng opportunity to do something na maayos, na maganda, okay na ako,” saad ng boyfried ni Wyn.

Hindi ba siya nai-insecure kay Jen dahil mas angat ang career niya hanggang ngayon kumpara sa kanya?

“No, no, no! Never akong nagkaroon ng insecurity kahit kaninong tao! I’m just living my life. Pag may project ako ginagawa ko nang mabuti, nang maayos. Hindi ako nagkaroon ng inggit na parang, ‘Ay, bakit si ganito, ganyan?’ I’m just thankful sa everything na meron ako,” rason niya.
Teka, mature na ba siya para mag-asawa?

“I’m waiting for Wyn. Oo naman. I’m 31. Just waiting for Wyn kasi siya naman ang busy for everything. Work, may movie siya at ngayon nasa Las Vegas siya. Gusto ko lang ma-enjoy niya ang pagiging busy niya,” sagot ng aktor.

“At least pag dumating ang time na puwede na kaming lumagay sa part na ‘yon, propose, papakasal, sobrang ready na rin kami pareho. Siguro ready na bumuhay ng pamilya. Siyempre, lahat naman tayo gusto nating magkaroon ng magandang buhay,” lahad niya.

So ngayong nasimulan na niyang maging kontrabida, ayaw ba niyang maging sexy star?
“Ha! Ha! Ha! Ayoko!” tugon ni Mark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Mark at Jen, kabilang din sa cast ng The Cure sina Tom Rodriguez, Jaclyn Jose, Jay Manalo, LJ Reyes at marami pang iba. Mula ito sa direksyon ni Mark Reyes na magsisimula nang umere sa GMA Telebabad sa Abril 30.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending