James walang paki sa feelings ni Nadine; mahilig makipaglandian sa ibang babae | Bandera

James walang paki sa feelings ni Nadine; mahilig makipaglandian sa ibang babae

Cristy Fermin |April 19,2018
facebook
share this

James walang paki sa feelings ni Nadine; mahilig makipaglandian sa ibang babae

Cristy Fermin - April 19, 2018 - 12:01 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

PARA maiwasan ang mga isyu ng tabigan at kung anu-ano pang kuwento ng kamalditahan ni Nadine Lustre ay kailangan nilang magtulungan ni James Reid.

Nakakaawa naman kasi ang aktres, palaging siya ang napupuruhan, sa kanya nabubunton ang mga sisi at paghusga kapag may mga kababaihang lumalapit sa kanyang boyfriend.

Dapat ding maging sensitibo si James sa mga ganu’ng sitwasyon, ang guwapong aktor na sana ang umiwas, makipagtulungan dapat ito kay Nadine para hindi naman palaging nagiging negatibo ang imahe ng kanyang girlfriend.

Matagal nang kuwento ang hilig sa paglabas-labas ng aktor na hindi kasama si Nadine. At kapag nasa bar na si James, natural lang na makakuha ito ng atensiyon ng mga babaeng nandu’n, nakikipagharutan din naman kasi si James.

Hindi puwedeng si Nadine lang ang nag-aalaga sa kanilang relasyon, kailangang makipagtulungan si James, para hindi sila nalalagay sa alanganin.

Ikinatutuwa ba ni James Reid na palagi na lang ninenega ang kanyang girlfriend sa social media?

Nakakaawa naman ang babae kapag palaging ganyan, bira kung bira ang napapala ng aktres, habang prenteng-prente lang naman ang kanyang boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending