Horoscope, April 17, 2018

By Dodie Gonzalez April 17,2018
share this

Horoscope, April 17, 2018

By Dodie Gonzalez April 17,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi dapat manisi ng kapwa. Ikaw ang dapat kumilos at mag sikap. Nasa mga kamay mo ang paraan upang umunlad at nasa kapalaran mo naman ang pagyaman. Oo kumilos ka lang at ikaw ay tiyak na yayaman. Sa pag-ibig, kahit na may kasalanan ang kasuyo hindi siya dapat pagsalitaan ng masakit. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om”. Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pagsisimula ng anomang negosyo, wag mangungutang dahil mababaon ka lang. Sa sariling puhunan mas makatitiyak ng pag-unlad at pagyaman, Sa pag-ibig, kung may nagawa kang mali humingi ng paumanhin sa minamahal. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Purple at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ngayon pa lang iplano na ang binabalak na pagswi-swimming. Sa pag-ibig upang lalong uminit ang relasyon isama ang kasuyo sa paliligo sa beach. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: Om-Purana-Om.” Violet at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Tiyak na ang tagumpay! Sa pinansiyal, habang kilos ng kilos, tuloy ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang ihahatid ng mainit at pabago-bagong panahon. Mapalad ang 6, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Blue at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Iwaksi ang galit at sama ng loob. Ang maliit na kita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan. Ang mahalaga, manatili kang naka-smile! Sa pag-ibig, paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng matamis na halik. Mapalad ang 1, 7, 10, 18, 20, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Elshaddai.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Huwag mag-isip ng masama sa kapwa. Imbis na maghinala, ibigay ang pagtitiwala sa iyong kliyente upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala rin ang sangkap upang magtagal ang anomang relasyon. Mapalad ang 8, 17, 26, 38, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Aum.” Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hingin ang opinyon ng mga kaibigan upang hindi mamali ng desisyon. Isang malapit na kaibigan ang makakatulong upang maabsuwelto ang mga problemang may kaugnayan sa pinansyal. Mapalad ang 5, 14, 23, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina”. Lilac at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Pagkain ang magpapasigla sa araw na ito, isaalang-alang ang mga pagkaing gulay at prutas upang mapanatili ang kalusugan. Sa pinansiyal, tulad ng pagka-sabik sa mga pagkaing malalamig, ganon din ang dapat na paghahangad sa yaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 39, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Krishnaya-Namahaya-Om.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat makipagtalo! Kung lagi kang nakikipag-debate, paano papasok ang maraming pera? Umoo ka lang ng umoo! Sa pag-ibig, hayaang ang ideya ng kasuyo ang siya namang masunod at matupad. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Dosha.” Violet at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag pairalin ang takot! Alalahaning ang mga matatapang lang ang mabilis na yumayaman. Sa pag-ibig, kapag nanatili kang duwag, hindi ka magiging maligaya. Mapalad ang 6, 19, 27, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Egosum-Timbre.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Hindi dapat pang hinaan ng loob. Kung patuloy na lalakas ang loob, tuloy-tuloy ka ring uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, wag ka ng umarte-arte pa, tanggapin ang alok na pag-ibig ng isang Cancer. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Aum Savitre.” Yellow at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan! Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Hindi ka dapat magtiwala ng labis sa kanila sa halip ang sarili mo pa ring diskarte ang dapat mong asahan. Sa pag-ibig, upang wag mapahamak walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang isang Libra. Mapalad ang 8, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Black at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa isang political gathering muling madadagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, wag baliwalain ang mga sweet messages ng kasuyo, mag-reply ka agad! Kuwanri na mi-miss mo na rin siya at sa iyong text message wag kalilimutang magsabi ng “Ingat at I love you…” upang mapanatili ang mainit na pagmamahalan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending