Hashtag Ryle kinalmot sa mukha ng nanggigil na fans

By Julie Bonifacio April 17,2018
share this

Hashtag Ryle kinalmot sa mukha ng nanggigil na fans

By Julie Bonifacio April 17,2018
share this


GRABE pala ang nangyari sa isa sa nationwide school tour ni Hashtag Ryle Santiago para sa Cherub’s baby wipes na ini-endorse niya. Dinumog ng fans si Ryle kaya nagkagulo. Hindi na tuloy natapos pareho ‘yung dalawang program na naka-set sa kanyang tour that day.

May malalim na kalmot sa mukha si Ryle mula sa sumugod na fans. Pero ang matindi, marami ang nasaktan at dinala sa ospital. Laking pasalamat na lang ni Ryle na okey naman ‘yung mga dinala sa ospital after mabigyang lunas.

Dahil diyan, nagdesisyon si Ryle na kumuha ng bodyguard kapag pupunta siya sa malalayong lugar. Hindi raw kaya na isang PA lang ang kasama sa ganu’ng personal appearances. First time rin niyang mag-tour sa probinsya na mag-isa lang.

Tuluy-tuloy pa rin ang taping niya para sa Kapamilya serye na Asintado at may It’s Showtime pa siya everyday.

Speaking of Showtime, aware si Ryle sa usap-usapan tungkol sa mga kasamahan niya sa Hashtags na sina Bugoy Carino at Jon Lucas na hindi na napapanood sa noontime show ng ABS-CBN.

“Hindi na sila pumapasok. Hindi lang sila pinapapasok ngayon kasi siyempre ang daming rumors. So, sabi, ‘O, siguro, pahinga na muna kayo.’ Pero Hashtag pa rin sila,” kumpirma ni Ryle.

Nu’ng kumalat daw ang balita na diumano’y nakabuntis sina Bugoy at Jon nakausap daw niya ang dalawa. Nagtatrabaho pa rin daw si Bugoy sa isang online show. Habang si Jon ay may teleseryeng ginagawa.

Bad influence raw sina Bugoy at Jon sa viewers especially sa mga kabataan, “Hindi naman,” depensa ni Ryle sa kanyang mga kamiyembro. “Kung totoong nakabuntis, e, ano naman? Gift ‘yun mula Diyos.”

May nagkomento naman na bakit sina Bugoy at Jon lang ang “temporary” na wala sa show gayung ang co-Hashtag din naman nila na si Nikko Natividad ay may anak na rin sa pagkabinata. “Exactly,” sambit ni Ryle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending