Bong makakalaya na raw sa Mayo

By Julie Bonifacio April 17,2018
share this

Bong makakalaya na raw sa Mayo

By Julie Bonifacio April 17,2018
share this


UNSTOPPABLE pa rin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda as she performed sa golden birthday celebration ni Bacoor City Mayor Ate Lani Mercado-Revilla na ginanap sa Cavite Coliseum last Friday.

Tila wala siyang iniindang sakit sa katawan. May mga moves pa rin si Vice habang humahataw sa pagkanta sa kanyang opening number, and with a complete band and back-ups.

After ng number niya, join sa kanya on stage ang kanyang mga kaibigang stand-up comedian na sina MC at Lazzy para sa kanilang comedy bar skit na walang humpay na laitan sa isa’t isa. Aliw na aliw naman ang crowd siyempre sa kakulitan ng tatlo on stage.

Grabe ang walang puknat na hiyawan at sigawan ng fans kay Vice habang kumakanta, huh! Kaya siguro kahit ‘di pa completely healed ang kanyang operasyon, ganadung-ganado pa rin siyang mag-perform.

But prior to Vice performance, ang aktor na si Gabby Concepcion muna ang nag-perform para sa birthday celebration ni Mayora Lani. Tilian din siyempre nang todo-todo ang mga tao kay Gabby. Dito nabanggit din ni Gabby na siya ang first leading man sa pelikula ni Mayora Lani.

Ang daming performers that night pero ang isa sa pinaka-highlight and very emotional part ng celebration ay ang surprise “appearance” ng better half ni Mayora na si former Sen. Bong Revilla, Jr..
Na-surprise si Lani nu’ng biglang lumabas on screen si Sen. Bong habang kumakanta ng pinamagatan niyang “Lani Mercado” song to the tune of “Despacito.”

So, na-imadyin ninyo ang mga “da moves” ni Sen. Bong habang kinakanta niya ang “Lani Mercado” song na for sure siya rin ang na-compose ng lyrics. Pagkatapos ay humirit pa ng isang kanta si Sen. Bong, inawit niya ang “Miss Na Miss Kita” na pinalitan niya ng “O, Lani Ko” ang linyang, “O, giliw ko.”

Antaray ni Sen Bong, composer na, huh! Feeling namin nakapag-record na ng isang buong album si Sen. Bong sa loob ng PNP Custodial Center. Hindi kaya paglabas niya, e, mag-iba na siya ng career?

And speaking of paglabas, mismong matalik niyang kaibigan at kapwa senador na si Jinggoy Estrada ang nag-announce sa mga taga-Bacoor na malapit na malapit na nilang makapiling si Sen. Bong. At mangyayari raw ‘to sa susunod na buwan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending