Sharon pahinga muna sa socmed, iwas nega

By Jun Nardo April 17,2018
share this

Sharon pahinga muna sa socmed, iwas nega

By Jun Nardo April 17,2018
share this

SHARON CUNETA

HAYAN, walang bagong pasbog na post si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account as of this writing, huh!

Hindi kasi pinaniwalaan ng ilang followers ni Shawie at ng mga kumukontra sa kanya sa showbiz ang huling post niyang pahinga na mina siya sa social media pati na sa pagsagot sa text at tawag sa kanya sa cellphone.

Walang rasong sinabi ang Megastar sa pamamahinga niya sa socmed. Pawang haka-haka lang na may kinalaman ang hindi pagkakatuloy ng movie nila ni Gabby Concepcion pero walang kumpirmasyon si Shawie sa intrigang ito.

Ibalato na lang natin kay Sharon ang kahilingan niyang ito. Naging Megastar siya nu’ng panahong wala pang social media at hindi pa masyadong uso ang cellphones kaya we believe, kahit na hindi na siya maging active sa pagpo-post sa Facebook, IG at Twitter mamahalin pa rin siya ng mga tao.

Gumamit man siya ng social media o hindi eh, puwede pa rin naman siyang isulat, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending