Produ takot bigyan ng movie ang maganda pero negang aktres | Bandera

Produ takot bigyan ng movie ang maganda pero negang aktres

Cristy Fermin |April 17,2018
facebook
share this

Produ takot bigyan ng movie ang maganda pero negang aktres

Cristy Fermin - April 17, 2018 - 12:15 AM


PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang isang magandang aktres. Sayang daw kasi ang kanyang kagandahan kung basta nakatiwangwang lang at hindi napakikinabangan sa linya ng kanyang pinasok na mundo.

Kung ganda ang pag-uusapan ay bulag lang ang magsasabing wala siyang ganda, panalo rin ang hubog ng kanyang katawan, kaya ang tanungan ng mga miron sa umpukan ay nasaan nga ba ang problema?

Nabibigyan naman siya ng proyekto sa kanyang network, pero mabilisan lang, hindi ‘yun nagtatagal. Maraming sinasabing plano ang kanyang istasyon pero hindi naman natutuloy.

Reaksiyon ng isang miron, “Malaking puhunan ang paggawa ng isang pelikula, napakalaki ng gastos, kaya siyempre, ang unang concern ng production, e, kung babalik ba ang puhunan nila?

“Kailangang pag-isipang mabuti kung bibigyan ba nila ng movie ang artista nila dahil nakakatakot ang puhunan, baka kahit kalahati lang, e, hindi nila mabawi,” diretsong sabi ng aming impormante.

May matagal na palang nakaplanong gawing pelikula ang magandang female personality pero palaging nauudlot ‘yun. Pinakikiramdaman daw kasi ng mga producers kung umangat na ba ang suporta sa kanya ng publiko?

Balik-chika ng aming source, “Kaso, waley pa rin! ‘Yung isang project niya, hindi man lang nagtagal sa ere. Mahina pa rin ang support group niya, kaya naisip siguro ng mga mamumuhunan sa kanya, e, wait and see pa rin sila kung puwede na siyang sugalan para sa isang milyones ang halagang project.

“Nakapanghihinayang naman talaga ang beauty niya, pero kung wala namang manonood sa movie niya, e, nakakaawa ang producers. Kaya nga sila nagpo-produce, e, para kumita, di ba?

“Kulang kasi sa charisma ang girl, tapos, ang dami-dami pang kuwento tungkol sa kamalditahan niya, kaya imposible ngang makabawi ang mga producers kung mamumuhunan sa pelikula niya.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang girl na ito, nakakapagtaka kung hindi n’yo siya kilala. Aaaaaaaawwww!!!!” pagtatapos ng aming nakataas ang kilay na source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending