Karla Estrada pakialamera, sawsera raw kaya binabanatan ng KathNiel fans | Bandera

Karla Estrada pakialamera, sawsera raw kaya binabanatan ng KathNiel fans

Cristy Fermin |April 17,2018
facebook
share this

Karla Estrada pakialamera, sawsera raw kaya binabanatan ng KathNiel fans

Cristy Fermin - April 17, 2018 - 12:05 AM

MAHIRAP  ang sitwasyon kapag ang ina ng isang artista ay artista rin. Lalong mahirap kapag ang nagma-manage sa career ng personalidad ay kadugo niya rin.

Mas maganda kung ibang tao ang magpapatakbo ng career ng anak, hindi ang kanyang magulang, dahil hindi magiging objective ang desisyon ng magulang para sa karera ng kanyang anak.

Artista rin si Karla Estrada. Sikat na heartthrob naman ang kanyang anak na si Daniel Padilla.

Ipinaubaya na ni Karla sa Star Magic ang career ni DJ pero sa mga isyung kinapapalooban ng guwapong aktor ay palaging nakikihalo si Karla.

Ang ina ni Daniel ang paboritong buskahin ng mga bashers, sagot kasi siya nang sagot, hanggang sa pati ang mga tagahanga na ni DJ ang nakakakontrahan niya sa social media.

Kapag may tagasuporta si Daniel na nag-post ng pagkainis sa isang tao ay agad nang nakasagot si Karla.

Ang ending ay sila na ng tagahanga ng kanyang anak ang nagpapalitan ng maaanghang na salita.

Mas kinakampihan pa raw kasi ni Karla ang ibang tao kesa sa mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanyang anak para lang makapagpalapad siya ng papel.

Sabi pa ng isang basher ni Karla, “Napakalapad na nga ng katawan niya, hindi na halos siya kumakasya sa frame, nagpapalapad pa siya ng papel sa ibang tao?

“Ibang klase rin naman kasi si Mommy Tabachingching kung makasawsaw sa issue. Mas nauna pang lumaki ang ulo niya kesa sa anak niya!” sultada ng isang fan ni Daniel Padilla.

Ganern!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending