Rachelle Ann magpapakasal sa Bora bago isara sa mga turista

By Ervin Santiago April 17,2018
share this

Rachelle Ann magpapakasal sa Bora bago isara sa mga turista

By Ervin Santiago April 17,2018
share this


BAGO ipatupad ang six-month closure ng Boracay sa April 26, magaganap daw muna ang kasal ng Pinay Broadway actress na si Rachelle Ann Go sa nasabing isla.

Kalat na sa social media ang balitang sa April 19 nakatakda ang wedding ni Rachelle sa kanyang American fiancé na si Martin Spies at magaganap nga raw ito sa isang resort sa Bora.

Sa kanyang Instagram stories, ibinandera ng singer-actress ang kanyang pagdating sa Boracay kasama ang kanyang future husband. Bukod dito, may maikling video pa siyang ipinost kung saan makikita ang kanilang hotel room sa Discovery Shores. May nakakabit pa ritong welcome banner para sa kanila.

Nitong nakaraang weekend, binigyan ng bonggang bridal shower si Rachelle Ann kasama ang ilang kaibigan na ginanap sa isang nail salon sa Pasay City. Bukod pa ‘yan sa naganap na despedida de soltera para sa kanya sa Conrad Hotel kung saan dumalo si Erik Santos at iba pa niyang kaibigan sa showbiz.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, nagkrus ang landas nina Rachelle Ann at Martin sa New York last year nang ipakilala sila sa isa’t isa during a Christian service. Nasa New York noon ang dalaga para sa “Miss Saigon” tour kung saan gumanap siya bilang bar girl na si Gigi Van Trahn.

Noong Aug. 23, 2017 inamin ni Rachelle na boyfriend na niya si Martin, na general manager ng isang American luxury fitness company.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending