Kyline Alcantara may 1M follower na sa Instagram

April 17,2018
share this

Kyline Alcantara may 1M follower na sa Instagram

April 17,2018
share this

PARAMI nang parami ang mga nahuhumaling sa young Kapuso actress na si Kyline Alcantara. Kamakailan ay umabot na sa 1 million ang followers niya sa Instagram.

“Sunflowers” kung tawagin ni Kyline ang fans niya na kanyang pinasalamatan sa walang-sawang pagsuporta sa kanya, lalo na sa top-rating series nila sa GMA na Kambal, Karibal.

Samantala, patong-patong na ang mga kasinungalingan ni Crisel (Pauline Mendoza) na nasa katawan pa rin ni Crisan (Bianca Umali). Naghihinala na nga ba ang mga tao sa paligid niya dahil iba ang kinikilos niya? Si Crisan naman na nasa katawan pa rin ni Cheska (Kyline) ay tuloy ang paghihirap bilang katulong sa bahay nina Darren (Jake Vargas).

Labis ang galit ni Darren ng maitapon ni Crisan ang beads sa kwarto niya kaya’t palalayasin niya ito. Saan na ngayon pupunta at ano ang susunod na mangyayari kay Crisan? Tutukan ang mga mas tumitindi pang eksena sa Kambal, Karibal gabi gabi pagkatapos ng Sherlock, Jr. sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending