Binay pinirmahan ang draft report na nagrerekomenda na kasuhan si PNoy

April 16,2018
share this

Binay pinirmahan ang draft report na nagrerekomenda na kasuhan si PNoy

April 16,2018
share this

KINUMPIRMA ni Sen. Nancy Binay na pumirma siya sa draft committee report na nagrerekomenda sa paghahain ng kaso laban kay dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dating mga opisyal ng kanyang administrasyon kaugnay ng kontrorobersiyal na P3.5 bilyon Dengvaxia vaccination program.

“I signed already,” sabi ni Binay.

Iginiit naman ni Binay na kailangan pa rin niyang pakinggan si Sen. Richard Gordon kaugnay ng draft report.

“Kasi para sa akin yung committee report is not yet the final report. Pagde-debatehan at pag-uusapan pa yan, idi-defend pa yan sa floor. Hintayin na lang natin yung deliberation na magaganap sa floor,” ayon pa kay Binay.

Nauna nang sinabi ni Gordon na inaasahan niyang 10 senador ang pipirma sa draft report.

Bukod kay Binay, pumirma rin sina Senate Majority Leader Vicente Sotto III, Sen. JV Ejercito, Sen. Gregorio Honasan II, at Sen. Juan Miguel Zubiri.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending