Maja labs na labs ng mga taga-Thailand

April 17,2018
share this

Maja labs na labs ng mga taga-Thailand

April 17,2018
share this

PATULOY pa ring humahataw sa iba’t ibang panig ng Asia at iba pang bahagi ng mundo ang kantang “Falling Into You”, ang first collaboration ni Maja Salvador sa Thai musician na si Tor Saksit.

Naging matagumpay ang simultaneous release sa iba’t ibang panig ng mundo ng nasabing kanta noong Feb. 9, 2018 dahil sa kolaborasyon ng Ivory Music & Video, BEC-TERO Music Thailand at ng Tourism Authority of Thailand. Dahil dito, nagsanib-pwersa rin ang mga tagahanga nina Maja at Tor kaya naman tagumpay ang resulta ng kanilang bonggang project together.

Last February, 2018 ay bumisita si Tor sa Pilipinas upang i-promote ang kanilang single at music video. Nagkaroon sila ng guesting ni Maja sa mga radio station, na sinundan ng mga press conferences at TV guesting sa It’s Showtime at ASAP ng ABS-CBN.

Ang kanta nilang “Falling Into You” ay nakakuha rin ng puwesto sa Myx Daily Top Ten sa ilang magkakasunod na linggo, matapos nga itong i-release ng Sony Music International sa Australia, New Zealand, Singapore, Malaysia, Indonesia, Vietnam at Korea.

Sa mga susunod na buwan ay bibisita naman si Maja sa Thailand para sa bagong promo tour ng kanilang single.

Samantala, sa pagdami ng fans and followers ni Maja sa Thailand, ipinalabas din doon (dinub sa Thai) ang dalawa sa mga teleserye ni Maja sa ABS-CBN, ang Bridges Of Love at The Legal Wife.

Samantala, magri-release din sina Maja at Tor ng remix ng “Falling Into You” sa mga susunod na buwan.

Ang “Falling Into You” ay available na for streaming at puwede nang ma-download sa Spotify, Deezer, iTunes, Apple Music. Available na rin ang official music video sa YouTube Channel ng Ivory Music & Video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending