K Brosas asar-talo sa laiterang basher: Napakasama ng ugali mo!

By Ervin Santiago April 16,2018
share this

K Brosas asar-talo sa laiterang basher: Napakasama ng ugali mo!

By Ervin Santiago April 16,2018
share this


NAPIKON si K Brosas sa isang netizen na nang-okray sa kanya bilang ninang ng anak ng kaibigan niyang si Pokwang na bininyagan kamakailan.

Ayon sa Instagram user na si @iambabelyne, “Kawawa naman si baby, ang ganda ganda eh, mga ninong sila? Hahahaha.” Hindi ito pinalagpas ng komedyana at talagang niresbakan niya ang basher.

Narito ang bwelta ni K Brosas: “Never ko pang ginawa to. ang mag post ng ganito. Di naman ako palaging patola. Sensya na ha pero dahil dinamay mo inaanak ko at mga kaibigan/kumare ko @pooh_tik @hot_chokoleit deserve mo post ko na to.

“At dahil di mo pa rin sinasagot tanong ko ‘na bakit kawawa?’ OO napaka gandang bata talaga si Malia at isama mo na yung ina @itspokwang27, so anong kawawa sa bata kung kami ang ninong/ninang? Napaka sama naman ng ugali mo kung ibabase mo sa itsura namin kung karapat dapat kami. Lalo na hindi ka naman KAGANDAHAN (profile pic mo teh) Buti sana kung nilagyan mo ng ‘joke lang po’ o ‘chos’ at kung magpapatawa ka dapat mas nakakatawa ka sa 4 na komedyanteng pinansin mo. Haaay!

“Nakaka sad na may katulad mong tao. Ok lang kung sinabi mo na hindi ako maganda etc kc opinion mo yon, pero para husgahan mo kami bilang mga ninang eh kapatol patol ka! Sa mga followers ko sensya na ha. Di ko napigilan. Ipagdarasal kita tehh @iambabelyne. Pero sa ngayon bigyan kita ng exposure! Palakpakan!!!” litanya pa ni K Brosas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending