Brgy. kagawad patay; misis na chairman, utol sugatan sa ambush  | Bandera

Brgy. kagawad patay; misis na chairman, utol sugatan sa ambush 

John Roson |April 16,2018
facebook
share this

Brgy. kagawad patay; misis na chairman, utol sugatan sa ambush 

John Roson - April 16, 2018 - 04:44 PM
Nasawi ang isang barangay kagawad ng Pidigan, Abra, habang sugatan ang kanyang misis na barangay chairwoman at isa niyang kapatid, nang pagbabarilin ng mga armado, Linggo ng hapon. Dinala pa sa ospital ang tatlo, ngunit di umabot nang buhay si Victor Pisco, residente at kagawad ng Brgy. Immuli, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Inoobserbahan pa sa pagamutan ang misis niyang si Brgy. Immuli chairwoman Elida Pisco, at kapatid na si Myrna Pisco-Vasquez, ayon sa ulat. Naganap ang insidente sa bahagi ng Provincial Road na sakop ng Sitio Banay, Brgy. Monggoc, at naiulat ng isang residente sa pulisya dakong alas-5:30. Pauwi sa Immuli sina Pisco, sakay ng asul na Elf truck, nang unahan at paulanan ng bala ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo, ayon sa ulat. Natagpuan sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng kalibre-.45 pistola. Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, na sinasabing tumakas patungo sa direksyon ng San Isidro o Villaviciosa, matapos ang insidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending