Duterte natuwa sa pagkakapili sa Davao City bilang host ng 2019 Palarong Pambansa

By Angelito Oredo April 15,2018
share this

Duterte natuwa sa pagkakapili sa Davao City bilang host ng 2019 Palarong Pambansa

By Angelito Oredo April 15,2018
share this


VIGAN, Ilocos Sur – Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagkakapili sa Davao City bilang host ng 2019 Palarong Pambansa.

Ito ang ipinahayag mismo ng delegasyon ng Davao City matapos na opisyal na ihayag ni Department of Education (DepEd) secretary Leonor Briones ang pagkakapanalo ng tinaguriang Durian Capital ng bansa sa ikalawang pagho-host sa pinakatampok na grassroots sports event na Palaro.

Una at huling nag-host ang Davao City sa ikatlong edisyon pa lamang ng torneo na mas kilala pa bilang Bureau of Public Schools-Interscholastic Athletics Association Games (BPESS) noong 1950.

Isa sa pinakamalaking rason para masungkit ng Region 11 o Davao Region ang ipinalabas noong 2016 ni Davao City Mayor Sara Duterte na isang Executive Order para paghandaan ng kanilang lokal na pamahalaan ang bid at presentasyon para masungkit ang pagho-host ng 2019 Palarong Pambansa.

Isiniwalat ito ni Atty. Lawrence Bantiding, Davao City assistant administrator for operations, ilang minuto matapos pormal na ihayag mismo ni Briones ang paghirang sa lungsod bilang host ng kada taon na sports event sa 2019.

“Actually, it is more of an assumption na sana manalo kami kasi as early as 2016 pa po ang ating Mayora (Sara Duterte-Carpio) ay nag-execute na ng Executive Order for us to really prepare for the 2019 Palarong Pambansa,” sabi ni Bantiding.

“It is my honor to announce that Davao City, with their exemplary world-class facilities and readiness, will be the host of the 2019 Palaro,” sabi ni Briones.

Tinalo ng Davao City sa ginawang bidding ng DepEd ang Zamboanga del Sur at Misamis Occidental. Lumahok din ang iba pang local government unit subalit nabigong makasama sa final list ng mga bidders ang Prosperidad sa Agusan del Sur, General Santos City sa South Cotabato at Surigao City sa Surigao del Norte.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pangangasiwaan ng lungsod ang sports meet para sa mga batang estudyante sa elementarya at secondary students matapos noong 1950.

“Sa presentation namin ay may naipakita naman kaming lists of venues and billeting quarters. Sabi nga nila mas maigi na ang nagpe-prepare,” sabi ni Bantiding.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending