Dedma Queen: KC walang paki sa pag-aaway nina Sharon at Gabby

By Ronnie Carrasco III April 16,2018
share this

Dedma Queen: KC walang paki sa pag-aaway nina Sharon at Gabby

By Ronnie Carrasco III April 16,2018
share this

 


UNLESS either chooses to use straightforward language, mananatiling “unsolved mystery” kung sino ba talaga kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang may diperensiya why their much-vaunted reunion movie is far from taking off the ground.

As of late, ang itinuturo naman ni Gabby sa kanyang social media account ay si Sharon who has earlier been consistent in saying na ang dating mister naman ang may kasalanan.

Passing the buck, what else?

Still, neither Sharon nor Gabby would make any clear disclosure kung ano’ng inayawan ng isa. Takbo kaya ng kuwento? Ilang maseselang eksena kaya which would appear insensitive to the feelings of their respective partners? Ang publicity thrust kaya? Kung may cameo appearance ba ang anak nilang si KC?

One can only speculate. Kasi nga’y wala naman silang malinaw na ine-emote. Wala ni pahiwatig o slightest hint kung anuman ‘yon.

Such cryptic posts could only produce a bunch of skeptics. Tuloy, as a result of Sharon and Gabby’s bickering ay marami ang nadadamay particularly the actor’s staunch supporters na nireresbakan na rin ni Sharon, people whose names seem too familiar with their past lives.

If at the very onset kasi’y inilantad na ng isa sa kanila ang tunay na dahilan, ‘di sana’y hindi na na-magnify ang issue. Or better yet, had Sharon and Gabby chosen to thresh things out privately, their case would not have turned into a big come-one, come-all carnival.

The funny, strange thing is that habang “nagbabangan” ang kanyang mga magulang sa social media, hayun si KC, obviously oblivious.

As in wapakels.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending