Roach kinumpirma ang paghihiwalay nila ni Pacquiao

By Melvin Sarangay April 14,2018
share this

Roach kinumpirma ang paghihiwalay nila ni Pacquiao

By Melvin Sarangay April 14,2018
share this


HUMIWALAY na si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa kanyang long-time trainer na si Freddie Roach, ito ang kinumpirma ng beteranong ring guru kamakalawa.

Sa isang maigsing pahayag, sinabi ni Roach na ang kanyang 15-taon na samahan sa dating world champion na si Pacquiao ay naputol bago pa man ang world title fight ng 39-anyos na Pinoy ring icon kontra Lucas Matthyse.

Sinabi ni Roach na hangad niya ang magandang hinaharap para kay Pacquiao bagamat inamin nito na nasaktan siya matapos na malaman ang desisyon nito na sibakin siya sa kanyang trabaho.

“Manny and I had a great run for 15 years — longer than most marriages and certainly a rarity for boxing,” sabi ni Roach. “I wouldn’t trade any of it. Inside the boxing ring and the political ring, I wish Manny nothing but the best.

“I would be lying if I didn’t say I wasn’t hurt that he didn’t contact me personally about his decision, but the great times we enjoyed together far outweigh that.”

Hindi nawala si Roach sa tabi ni Pacquiao magmula nang umangat ito sa boxing at tulungan ito na maging isa sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan ng sport.

Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Matthyse sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Hulyo 15 para sa WBA welterweight belt ng Argentine.

Huling lumaban si Pacquiao kontra Jeff Horn sa Brisbane, Australia noong Hulyo 2017 kung saan natalo ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending