Juday sa epal na basher: Hindi kasi namin ugaling i-promote ang pagtulong namin!

April 15,2018
share this

Juday sa epal na basher: Hindi kasi namin ugaling i-promote ang pagtulong namin!

April 15,2018
share this


PINATULAN ni Judy Ann Santos ang isang pakialamerang netizen na nambasag sa ipinost niyang litrato sa Instagram.

Ibinahagi kasi ng Teleserye Queen sa kanyang IG followers ang pagbibigay sa kanya ng regalo ng isang retail signature store ng branded clutch bag. May tatak itong YSL.

Makikita sa nasabing photo ang kamay ni Juday na hawak-hawak ang card na may nakasulat na, “Congratulations on your blockbuster movie, More Power and God Bless.’’

Nilagyan naman ito ng Kapamilya actress-TV host ng caption na: “Thank you @authenticbagsforsale!!! Yehey! May clutch na ako!”

Tila hindi ito nagustuhan ng kanyang IG follower na may account handler na @cosmojohnson na nagkomento ng, “How about helping all the poor people in your country?!!!”

Agad itong binuweltahan ng asawa ni Ryan Agoncillo at sinagot siya, “@cosmojohnson, hi! Hindi naman ako normally sasagot sa mga ganitong comments. Pero hindi ko kasi ugaling ipromote kung sino, at ano at saan kami nagbibigay ng tulong. Yun lang, god bless you.”

Kinampihan din si Juday ng iba pa niyang followers sa Instagram at talagang pinagsalitaan ng masasama si @cosmojohnson. Sabi ng isang netizen, “@cosmojohnson, How about you? Are you by any chance helping other people? Anjd I don’t think you even understand Mrs. Agoncillo’s post. The clutch was a gift. God bless you.”

Chika ng isa pang fan ni Juday, “Hindi naman po politician si juday. Why they need to post all those social services.”

Matapos mahimasmasan sa pinagsasabi kay Juday at sa pamba-bash sa kanya ng mga fans ng aktres, napilitan ding mag-sorry ang netizen, “I apologize I’m glad and happy to know I’ve always like you god bless you too.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending