Ryan Bang mas pinili si Kim kesa sa mga bonggang offer ng Korea | Bandera

Ryan Bang mas pinili si Kim kesa sa mga bonggang offer ng Korea

Ervin Santiago |April 15,2018
facebook
share this

Ryan Bang mas pinili si Kim kesa sa mga bonggang offer ng Korea

Ervin Santiago - April 15, 2018 - 12:01 AM


MAS nanaig pa rin ang pusong Pinoy ng TV host-comedian na si Ryan Bang kesa sa pagiging Koreano nito.

Pagkalipas ng walong taon matapos siyang lumabas sa Bahay Ni Kuya, dumating na rin ang tamang panahon para kay Ryan Bang. Leading man na siya ngayon ni Kim Chiu sa latest horror-comedy ng Star Cinema na “Da One That Ghost Away.”

“Nag-umpisa akong sidekick ni Papa P (Piolo Pascual) tapos sidekick ni Coco Martin tapos ngayon ni idol Robin Padilla. Hindi ko akalain ako yung magiging leading man. Siguro katulad din nu’ng nangyari kay Empoy, may chance din ako.

“Nag-iipon ipon pa ako para ako ang mag-produce para maging bida. Pero ngayon natupad. Kaya binigay ko dito sa movie ang 150%,” chika ng komedyante sa grand media launch ng “DOTGA”.

“Overwhelmed talaga ako. Hindi ko akalain na ganito ang mangyari sa buhay ko. Pero kasi yung malaking offer sa akin ng Korea sa SBS hindi ko tinanggap, nagsisi ako konti eh. Pero hindi na ako nagsisi dahil eto pala yung mangyayari.

“Leading man pa ni Kim Chiu kaya sobrang masaya ako. Overwhelmed pa. Nu’ng nakasama ko si Kim Chiu hindi na (ako nagsisi). May offer naman sa akin pero hindi ko nga tinatanggap ang regular show, na regular host. Ano lang, guest-guest lang ako sa Korea,” aniya pa.

Makakasama nina Kim at Ryan sa “DOTGA” sina Maymay Entrata, Edward Barber, Enzo Pineda, Moi Bien, Chokoleit, Lassy, Pepe Herrera at Odette Khan.

Showing na ang “Da One That Ghost Away” sa darating na April 18 sa mga sinehan nationwide, directed by Tony Y. Reyes sa produksyon pa rin ng Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending